NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Ukol sa NIC

Akses

Pagpunta Oras


Lugar

Nagoya International Center, Nagono 1-47-1, Nakamura-ku, Nagoya 〒450-0001

(〒450-0001 名古屋市中村区那古野一丁目47番1号 名古屋国際センター)


Paraan ng Pagpunta

<Kung sa Pampublikong Transportasyon>

■7minutong lakad patungong silangan mula sa estasyon ng Nagoya.

・7minutong lakad mula sa estasyon ng Nagoya (Tokaido Shinkansen / JR Tokaido Line / JR Kansai Line / JR Chuo Line / Meitetsu Line / Kintetsu Line / Subway Higashiyama Line / Subway Sakura-dori Line / Aonami Line)

・Dumaan sa sentrong pamilihan ng Unimall at diretsong lalakarin patungong Kokusai Center Station (Subway Sakura-dori Line), na konektado sa basement level patungo sa gusali ng Nagoya International Center, at gamitin ang elevator patungong Nagoya International Center.

■Direktang transportasyon patungong Kokusai Center Station (Subway Sakura-dori Line)

Ito ay konektado sa basement level patungo sa gusali ng Nagoya International Center. Gamitin ang elevator sa basement patungong Nagoya International Center.

■Estasyon ng bus sa Kokusai Center

・Key Route 2, Nagoya Station - Hikarigaoka / Itaka Shako (名古屋駅 - 光ケ丘・猪高車庫)

・Meieki Route 12, Nagoya Station - Joshincho / Nyoi Shako Mae (名古屋駅 - 浄心町・如意車庫前)

・Meieki Route 19, Nagoya Station - Minato Kuyakusho (名古屋駅 - 港区役所)

※Para sa pupunta ng naka-wheelchair

Mula sa Kokusai Center Station (Subway Sakura-dori Line), gamitin ang elevator patungong ground level, at pumasok sa gusali ng Nagoya International Center sa pangunahing pinto. Ang toilet para sa mga naka-wheelchair ay matatagpuan sa 1st at 3rd floor.


<Para sa mga pupunta ng nakasasakyan>

Mula sa exit ng Marunouchi ng Nagoya Expressway

Dumiretso hanggang sa interseksyon ng banko ng Japan (Nichiginmae / 日銀前), lumiko sa kanan, na ang daan ay Sakura-dori patungong Nagoya Station, at lumiko sa kanan bago ang interseksyon ng Hijiecho (泥江町) ( 5 minuto ang pagitan mula sa expressway exit). Mayroong mga (bayad) ang papasukan ng sasakyan patungong paradahan sa loob ng gusali sa ibaba at ganun din sa silangang bahagi ng Nagoya International Center Building.


Oras ng pagbubukas

・Information Service Corner, Library: Martes ~ Linggo, 9:00 - 19:00

・Pagpapaupa sa silid: Lunes ~ Linggo, 9:00‐21:00(para sa reserbasyon 9:00-17:30)

・Sarado:tuwing Lunes(maliban sa paupahang silid), Disyembre 29 ~ Enero 3, at ika-2 linggo ng Agosto at Pebrero.

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.