Cycling course(サイクリングコース)

Share on Facebook
Post to Google Buzz
Bookmark this on Yahoo Bookmark
Share on FriendFeed
Share on LinkedIn

cycling600

  • Kanaregawa Cycling Course

Ito ay inayos at pinagandang cycling road sa magkabilang gilid ng Kanare river at kumukonekta mula Meito Ward hanggang Nagakute City ng Moriyama Ward. Napakagandang tingnan ang mga nakahilerang puno ng sakura sa gilid ng ilog lalo na sa panahon ng pamumukadkad ng mga ito.

  • Shidami Cycling Road

Ito ay cycling road na makikita sa Shidami, Moriyama Ward. Madaling magmaneho at magbisikleta rito dahil sa nakahiwalay ang daanan para sa mga sasakyan at bisikleta.

  •  Moricoro Park Cycling Road

Ito ay cycling course (5.1 km) na makikita sa Moricoro Park ng Nagakute City. Ang course na ito ay one-way street at maaaring masiyahan ang sinuman mula elementarya (mga nasa unang taon pataas) hanggang adults. Sa pagitan ng course ay may 3 lugar pahingaan. Maaring gumamit ng sarili ninyong bisikleta. Maaari ring magrenta ng bisikleta (100 Yen para sa isang bisikleta) sa malapit na cycling station.

    • Oras9:00 AM-5:00PM  Sarado tuwing Lunes
    • LugarMoricoro Park (Nagakute City, Aichi)
    • Paraan ng pagpuntaSumakay ng Linomo ride sa subway Fujigaoka station ng Higashiyama line, bumaba sa AiChikyuhakukinenkoen station
    • BayadLibre
    • Telepono0561-64-1130  Moricoro Park Management Office