Festivals (祭り)

Share on Facebook
Post to Google Buzz
Bookmark this on Yahoo Bookmark
Share on FriendFeed
Share on LinkedIn

Ang impormasyon na ito ay isinalin mula sa Nagoya Calendar.


Autumn Leaf Viewing Festival sa Tokugawaen Mga Palamuti ng Kalikasan (錦を纏う 徳川園紅葉祭)

Photos courtesy of Tokugawaen
Photos courtesy of Tokugawaen

Ranasin ang kagandahan ng tag-lagas sa Tokugawaen, na may halos 300 na puno kabilang na ang puno ng momiji (maples) at nishikigi (winged spindle / Euonymus alatus). Mayroon ding iba’t ibang ibentong gaganapin sa panahon ng Autumn Leaf Viewing Festival, kabilang na ang eksibit ng mga bulaklak o Ikebana (Nobyembre 19, 2017 Linggo, 9:30 – 18:30), isang palabas na musikal (Nobyembre 23, 2017 Huwebes, 13:30 – 14:30) at pagkakataong magisnan ang Sago Palms ng mga Hapon na ginawang matibay sa niyebe sa papalapit na panahon ng tag-lamig gamit ang mga tradisyunal na pamamaraan (Disyembre 2, Sabado at 3, Linggo 2017, 9:30 – 16:30).

Ang oras ng pagbubukas ay palalawigin rin sa limitadong oras habang kung saan iilawan ang hardin at ang mga sangay ng daan ay paiilawan ng mga seramiko at mga lamparang gawa sa kawayan.

  • Kailan: Autumn Leaf Viewing Festival: Nobyembre 17, Biyernes, 2017 hanggang Disyembre 10, Linggo, 2017 (Pangkaraniwang Oras 9:30 – 17:30; Huling pagpasok 17:00) Pinalawig na oras at Panonood sa Gabi: Nobyembre 17, Biyernes, 2017 hanggang Nobyembre 19, Linggo 2017, at Nobyembre 23, Huwebes hanggang 26, Linggo 2017 (9:30 – 20:30; Huling pagpasok 20:00) Sarado tuwing Lunes (pag natapat sa araw ng Pista Opisyal, ang susunod ay pangkaraniwang araw).
  • Saan: Tokugawaen (徳川園) sa Higashi Ward (東区)
  • Akses: Sa Pamamagitan ng Tren: 10 minutong lakad mula sa JR Ōzone Station (大曽根駅) South Exit (南出口). Sa Pamamagitan ng Bus: Sumakay ng bus mula sa Sakae patungong Hikiyama (引山) o Shikenya (四軒家) aalis mula sa Bus Station 3, Sakae Bus Terminal (Oasis 21). Bumaba sa Tokugawaen Shindeki (徳川園新出来) bus stop.
  • Pagpasok: General Admission/College & Senior HS Students 300 (270) Yen; Mga residente ng lungsod ng Nagoya na nagkakaedad ng 65 o mas matanda 100 (90) Yen. Junior HS Students at mas bata ay libre. Ang presyo sa loob ng ( ) ay para sa grupo na may 20 katao o mas higit pa.
  • Website: https://www.tokugawaen.aichi.jp/index.html

 


Nagoya Castle Autumn Festival (名古屋城秋まつり)

Bumisita sa Nagoya Castle at masiyahan sa mga natatanging event na inihanda para sa Taglagas ng taong ito. Kabilang ang Chrysanthemum Exhibit at ang pinakaaabangang pagbubukas ng Southeast Tower (mula Nobyembre 2~Nobyembre 5), gayundin naman ang pagtatanghal ng Nagoya Omotenashi Bushotai sa Sabado, Linggo at Piyesta Opisyal.

  • Kailan: Hanggang Nobyembre 23, Huwebes
  • Saan: Nagoya Castle (名古屋城)
  • Pagpunta: 5 minutong maglalakad mula Shiyakusho Stn., (市役所駅) Exit 7 (7番出口) ng Meijo Subway Line (地下鉄名城線). O kaya naman ay 12 minutong maglalakad mula Sengen-cho Stn. (浅間町駅) Exit 1(一番出口】 ng Tsurumai Subway Line (地下鉄鶴舞線)
  • Bayad: Wastong gulang 500 Yen; Senior citizens na naninirahan sa Nagoya (kailangang magpakita ng ID ) 100 Yen; ang Junior High School at pababa ay libre.

 


Ang impormasyon na ito ay isinalin mula sa Nagoya Calendar.

Latest Topics

Ang ika-53 International Students Evening (第53回留学生の夕べ)

Ang ika-53 International Students Evening (第53回留学生の夕べ)

Kailan: Disyembre 16, 2017 Sabado (12:00PM-5:00PM) Saan: Nagoya International Center Annex Hall. [詳細はこちら]


Pagbabasa ng picture books sa iba`t-ibang wika (外国語で楽しむ絵本の会)

Pagbabasa ng picture books sa iba`t-ibang wika (外国語で楽しむ絵本の会)

Inihahatid ng mga boluntaryo ng Nagoya International Center ang “Gaikokugo no E-hon no yomikikase (pagbabasa ng mga [詳細はこちら]


Eksibisyon (展覧会)

Eksibisyon (展覧会)

Natatanging Eksibisyon Sa Nagoya City Museum: , Science Museum sa siyudad ng Nagoya: Itlog ng Dinosaur – Nakatagong [詳細はこちら]


Festivals (祭り)

Festivals (祭り)

Autumn Leaf Viewing Festival sa Tokugawaen ・Mga Palamuti ng Kalikasan, Nagoya Castle Autumn Festival [詳細はこちら]


Events (イベント)

Events (イベント)

Piyesta ng Yattokame, Hisayaodori Gardens Flarie: Christmas Decorations, Nagoya Noh Theater... [詳細はこちら]