Mga Merkado sa Nagoya(名古屋の市場)

Share on Facebook
Post to Google Buzz
Bookmark this on Yahoo Bookmark
Share on FriendFeed
Share on LinkedIn

Ang impormasyon na ito ay isinalin mula sa Nagoya Calendar.


Oasis 21 Organic Farmers’ Morning Market (オアシス21オーガニックファーマーズ朝市村)

Photo courtesy of Organic Farmers Nagoya
Photo courtesy of Organic Farmers Nagoya

Bawat Linggo ng umaga sa Oasis 21 sa Sakae, sa gitna ng Nagoya, ang mga batang magsasaka ay nakikibahagi sa mga Organic at natural na pamamaraan ng pagsasaka ay naghahandog ng maayos at masasarap na gulay, bigas, prutas at mga prosesong agrikulturang produkto.

  • Kailan: Tuwing Sabado ng Umaga
  • Saan: Oasis 21, malapit sa nagdudugtong corridor patungong NHK, Higashi Ward (東区)
  • Access: Sakae Sta. (栄駅) Exit 4 (4番出口) ng Subway Higashiyama at Meijo Lines (地下鉄東山・名城線)
  • Website: http://www.asaichimura.com/ (Japanese)

 

 


Goen-ichi (ごえん市)

Photo courtesy of Endoji Shopping Arcade
Photo courtesy of Endoji Shopping Arcade

Ang Goen-ichi ay isang masayang flea market na may iba’t ibang atraksyon.

  • Kailan: Ang ika-unang Linggo ng bawat buwan (10:00 – 15:00)
  • Saan: Endoji Shopping Arcade (East Arcade) (円頓寺商店街[東側アーケード])
  • Access: 5 minutong lakad sa hilaga mula sa Kokusai Center Sta. (国際センター駅) ng Subway Sakura-dori Line (地下鉄桜通線)

 


Hoshizora Market (星空マーケット)

Photos courtesy of Endoji Shopping Arcade
Photos courtesy of Endoji Shopping Arcade

Isang buwanang merkado sa gabi para sa mga antigo at mga bagay na yari sa kamay na gaganapin sa Endoji Shopping Arcade.

  • Kailan: Ang ika-4 na Biyernes ng bawat buwan (17:00 – 21:30)
  • Saan: Endoji Shopping Arcade (円頓寺商店街)
  • Access: 5 minutong lakad sa hilaga mula sa Kokusai Center Sta. (国際センター駅) ng Subway Sakura-dori Line (地下鉄桜通線)
  • Website:http://nagosyu.net/event

 


Nayabashi Yoichi (なやばし夜イチ)

Photos courtesy of Nayabashi Yoichi Executive Committee
Photos courtesy of Nayabashi Yoichi Executive Committee

 Ang Nayabashi Yoichi ay isang night market na ginaganap isang beses sa isang buwan malapit sa Nayabashi Bridge sa Central Nagoya. Sa mga bagay at pagkaing inilalako, mga workshop at naka-display na mga larawan at likhang sining, maaari mong tangkilikin ang nakakarelaks na kapaligiran sa tag-araw na may beer, at sa taglamig na may mainit na sake.

  • Kailan: Ang ika-4 na Biyernes ng bawat buwan
  • Saan: Ang pasyalan sa kanlurang bahagi ng Horikawa River (堀川) sa pagitan ng Nayabashi Bridge (納屋橋) at Nishikibashi Bridge (錦橋)
  • Access: Isang 8 minutong lakad sa kanluran mula sa Fushimi Sta. (伏見駅) Exit 7 at 8 (7 · 8番出口) ng Subway Higashiyama at Tsurumai Lines (地下鉄東山・鶴舞線); o isang 8-minutong lakad sa silangan mula sa Kokusai Center Sta. (国際センター駅) Exit 3 (3番出口) ng Subway Sakura-dori Line(地下鉄桜通線).
  • Website: http://natsu1yoichi.blog133.fc2.com/ (Japanese)

 


Osu Kannon Antique Market (大須観音 骨董市)

Kumuha ng ilang mga tunay na murang paninda sa merkado na ito, na nagtatampok ng iba’t ibang uri ng mga antigong kagamitan, mula sa magagandang mga babasagin bagay hanggang sa mga nakakatuwang mga ornamento at mga laruan, at dinaragsa ng iba’t-ibang nagtatawirang mga mamimili, mula sa mga matatandang panatiko ng mga antigo hanggang sa mga dalagang mahiilig sa kimono.

  • Kailan: ika-18 at ika-28 ng bawat buwan (maagang umaga hanggang maagang gabi). Ang merkado ay gaganapin pa rin kahit umuulan.
  • Saan: Sa bakuran ng Kannon Temple (大須観音の境内), Naka Ward(中区)
  • Access: 3 minutong lakad sa silangan mula sa Osu Kannon Sta. (大須観音駅) Exit 2 (2番出口) ng Subway Tsurumai Line (地下鉄鶴舞線)

 


Higashi Betsuin Temple Handmade Morning Market (東別院てづくり朝市)

Photo courtesy of Shinshu Otani-ha Nagoya Betsuin Temple
Photo courtesy of Shinshu Otani-ha Nagoya Betsuin Temple

Isang palengke sa umaga na nasa loob ng bakuran ng Higashi Betsuin Temple sa ika-28 ng bawat buwan (ang anibersaryo ng pagkamatay ni Shinran, tagapagtatag ng Buddhist Shinshu sect Otani-ha), na magtatampok sa paligid nito ng 150 na puwesto na nag-aalok ng mga aning organiko, mga tinapay na home-made at matatamis na kakanin at home style dishes at iba’t ibang mga bagay.


 

Ang impormasyon na ito ay isinalin mula sa Nagoya Calendar.

Latest Topics


Events

Events

35th International Philippine Festival in Nagoya (第35回名古屋国際フィリピンフェスティバル) [詳細はこちら]


Pamumuhay ng Dayuhan Q&A (外国人暮らしのQ&A)

Pamumuhay ng Dayuhan Q&A (外国人暮らしのQ&A)

 Nag-iisip akong lumipat at umupa sa ibang lungsod ngunit may nakapagsabi sa akin na kailangan ko ng pangsariling [詳細はこちら]


NIC Book Recycling Bazaar (NIC 本のリサイクルバザー)

NIC Book Recycling Bazaar (NIC 本のリサイクルバザー)

Kailan: Hunyo 2, 2019 Linggo (13:00 – 15:00) Saan: Nagoya International Center 5F Conference Room 1 [詳細はこちら]


Serbisyo sa araw ng Linggo sa iba`t-ibang Wards at sangay nito sa Nagoya(区役所・支所の日曜窓口 )

Serbisyo sa araw ng Linggo sa iba`t-ibang Wards at sangay nito sa Nagoya(区役所・支所の日曜窓口 )

Upang mabigyan ng mas maayos na serbisyo ang mga residente, may araw ng linggo na bukas ang munisipyo ng bawat ward at [詳細はこちら]