Discount Coupon sa Subway na bukas ng Buong gabi sa Katapusan ng Taon at sa Bagong Taon (年末年始地下鉄終夜運転と割引きっぷ)

Share on Facebook
Post to Google Buzz
Bookmark this on Yahoo Bookmark
Share on FriendFeed
Share on LinkedIn

Discount Coupon sa Subway na bukas ng Buong gabi sa Katapusan ng Taon at sa Bagong Taon
(「年末年始地下鉄終夜運転と割引きっぷ」)

Ang tinatawag na “Weekend Eco Pass” (Do-nichi Eco Kippu /ドニチエコきっぷ) ay ang pang-1 araw na ticket na nagpapahintulot sa mga bumabyahe na makasakay ng maraming beses sa mga subway at sa mga city bus ng lungsod sa Nagoya. Ito’y tuwing Sabado at Linggo, National holiday, at tuwing ika-8 ng buwan, at sa mga araw na ang iskedyul ng tren ay tumatapat sa iskedyul na walang pasok. Ang ticket ay nagkakahalaga lamang ng 600 yen lamang para sa mga adults o nakakatanda, at 300 yen para sa mga bata (edad 6 ~ 12), at ito ay maaaring mabili sa kahit saang ticket gate ng istasyon ng subway o sa loob ng city bus.
Dagdag pa dito, ang mga linya ng tren sa Higashiyama Meijo, Meiko, Tsurumai, at Sakura-dori ay bukas ng buong gabi sa Disyembre 31. Mayroong byahe ang tren na halos kada 30 minuto sa buong gabi. Kung una mong gagamitin ang Do-nichi Eco Ticket paglagpas ng 10:00 ng gabi ng Disyembre 31, ang ticket ay maaaring gamitin hanggang sa huling iskedyul ng tren ng Enero 1. Ang kumpletong iskedyul ay ipapaskel sa lahat ng istasyon ng subway, mga bandang Disyembre 21.