Impormasyon Tungkol sa Pagpapatala sa Bagong Grade 1 sa Nagoya Municipal Elementary Schools (小学校新1年生の入学案内)

Share on Facebook
Post to Google Buzz
Bookmark this on Yahoo Bookmark
Share on FriendFeed
Share on LinkedIn

Ang mga batang ipinanganak sa pagitan ng Abril 2, 2011 hanggang Abril 1, 2012 ay maaaring magpatala.

①Pre-enrollment Health Check-up (Nyuugaku mae no kenkou shindan):

Ang mga impormasyon hinggil sa bagay na ito ay ipapadala ng Board of Education sa pamamagitan ng postal service sa kalagitnaan ng buwan ng Oktubre. Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan sa School Health Division ng Board of Education sa numerong  052-972-3246.

②Enrollment Acceptance Notice (Shuugako Tsuuchihyou):

Ang notipikasyong ito ay manggagaling sa paaralan kung saan tinanggap ang inyong aplikasyon at ang petsa nito. Ito ay ipapadala sa inyo ng ward office (kuyakusho) o branch office (yakuba) sa huling mga araw ng Enero, 2018.

③Ang mga residenteng banyaga na nagnanais maipasok ang kanilang mga anak sa pampublikong paaralan ng elementarya ay makakapag-aplay sa Residents Affair Division (Shimin-ka) sa lokal na munisipyo na sumasakop sa inyong tirahan. O kaya naman ay sa Ward Residents Affair Division (Ku-min Seikatsu-ka) ng yakuba.

※Pakatandaan lamang na ang mga paaralan kung saan makakapasok ang mga bata ay depende kung saan ang address o distritong sumasakop sa mga residente. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapalsipika ng address para makapasok sa gustong pasukang paaralan. Kung nais makapasok sa paaralan na hindi sakop ng inyong distrito, makipag-ugnayan lamang sa Residents Affairs Division (Shimin-ka) o Ward Residents Affairs Division (Ku-min Seikatsu-ka) sa yakuba)

Latest Topics

Ang ika-53 International Students Evening (第53回留学生の夕べ)

Ang ika-53 International Students Evening (第53回留学生の夕べ)

Kailan: Disyembre 16, 2017 Sabado (12:00PM-5:00PM) Saan: Nagoya International Center Annex Hall. [詳細はこちら]


Pagbabasa ng picture books sa iba`t-ibang wika (外国語で楽しむ絵本の会)

Pagbabasa ng picture books sa iba`t-ibang wika (外国語で楽しむ絵本の会)

Inihahatid ng mga boluntaryo ng Nagoya International Center ang “Gaikokugo no E-hon no yomikikase (pagbabasa ng mga [詳細はこちら]


Eksibisyon (展覧会)

Eksibisyon (展覧会)

Natatanging Eksibisyon Sa Nagoya City Museum: , Science Museum sa siyudad ng Nagoya: Itlog ng Dinosaur – Nakatagong [詳細はこちら]


Festivals (祭り)

Festivals (祭り)

Autumn Leaf Viewing Festival sa Tokugawaen ・Mga Palamuti ng Kalikasan, Nagoya Castle Autumn Festival [詳細はこちら]


Events (イベント)

Events (イベント)

Piyesta ng Yattokame, Hisayaodori Gardens Flarie: Christmas Decorations, Nagoya Noh Theater... [詳細はこちら]