Ukol sa Residential Tax

  • Share on Facebook
  • Post to Google Buzz
  • Bookmark this on Yahoo Bookmark
  • Share on FriendFeed
  • Share on LinkedIn

Q: Nakatanggap ako ng notice mula sa tax office na dapat bayaran ang residential tax ko. Ano ba ang residential at kailangan ko ba talagang bayaran ito? Maari mo ba akong tulungan?

A: Ang lahat ng naninirahan sa bansang Hapon ang kailangang magbayad ng residential tax. Napapasaloob dito ang mga mamamyang internasyonal na maninirahan sa Japan ng higit sa isang taon. Binabayaran ang buwis na ito sa inyong munisipyo. Ang residential tax ay binubuo ng dalawang buwis (ang mga residential tax ng inyong prefecture at ang buwis ng inyong munisipyo) at ang halaga nito ay binabatay sa inyong sahod na natanggap mula Enero hanggang Disyembre ng nagdaan na taon. Maari rin magbago ito ayon sa dami ng inyong mga dependents na inyong sinusuportahan, atbp.

Kung naglipat-bahay kayo, ay ang inyong Ward na tinitirahan (bago kayo maglipat) ng Enero ng tan na iyon ang tatanggap ng nasabing buwis. Padadalhan kayo ng notice nito sa inyong panibagong address. Kung kararating ninyo pa lamang sa Japan, ay hindi ninyo pa kailangang ikabagabag ang buwis na ito … hanggang sa pagdating ng tax notice para sa inyong unang taon sa Japan sa Hunyo ng inyong ikalawang taon dito…

Q: Saan at Papaano ko maari itong bayaran?
A: Pangkaraniwang ikinakaltas ng iinyong employer ang nasabing buwis mula sa inyong sahod para sa mga buwang Hunyo hanging Mayo. Kung hindi ito ginaganap ng inyong kumpanya, padadalhan kayo ng tax payment slip ng inyong Ward Office (Kuyakusho). Ipinapadala ang mga ito sa mga buwang Hunyo, Agosto, Oktubre, at Enero. Kung hindi niinyo mababayaran ang buwis sa tamang oras, magdadagdag ang delinquency charge sa halagang dapat ninyong bayaran. Ang residential tax ay maaring bayaran sa pamamagitan ng banko, post office, o kaya sa pamamagitan ng pagpunta sa Ward office. Sa inyong paglabas ng Nagoya (o Japan), kailangan ninyong bayaran ang natitirang balance ng inyong buwis para sa taon na iyon o kaya’y kailangan ninyong mag-apporint ng proxy na siyang maaring tumupad ng inyong mga obligasyon sa buwis kapalit ninyo.

Q: Napansin ko po na nabawasan ang deduction para sa aking income tax kumpara sa nagdaang taon. Ano po ang nangyari dito?
A: Mula Enero ng taong 2007, sinimulang ipatupad ang ilan sa mga pagbabago ukol sa pagbabayad ng buwis upang mas-lalong maipamudmod ang buwis sa bawat munisipyo kaysa sa national government nito. Sa gayong paraan, bumaba ng konti ang income tax, atlubha naming nagtaas ang residential tax. Sapagkat ang inyong binabayarang buwis ay nakaayon sa inyong sahod, magbabago ang binabayarang buwis bawa’t taon ayon sa tax bracket na kinapapalooban. Ang inyong taxable income (Kazeishokutoku) ay ang inyong pang-taunang sahod na binawasan ng ilang mga allowance ayon sa inyong sitwasyong pinansyal. Kasama na rito ang 380,000 yen na basic allowance na 380,000 yen (para sa income tax) at 330,000 yen para sa residential tax. Nagbago rin ang paraan ng mga tax-bracket kaya importanteng alamin ninyo ang inyong tax bracket upang matunton ng sigurado kung ano ang inyong buwis na dapat bayaran. Alamin ninyo na ang residential tax ay flat – rate na ngayon: 10%.


Income Tax Brackets (Before)

Taxable Income (Yen)

Rate

Under 3.3 million

10%

3.3 million to 9 million

20%

9 million to 18 million

30%

Over 18 million

37%

Taxable Income (Yen)

Rate

Under 1.95 million

5%

1.95 million to 3.3 million

10%

3.3 million to 6.95 million

20%

6.95 million to 9 million

23%

9 million to 18 million

33%

Over 18 million

40%

 


※For example for an un-married employee with no dependants working 40 hours a week would see the below tax burden changes.

 

Before

Now

Before

Now

Before

Now

Annual Income

3,000,000

5,000,000

7,000,000

Income Tax

124,000

62,000

258,000

258,000

474,000

376,500

Resident’s Tax

64,500

126,500

163,000

163,000

307,000

404,500

Total Tax Burden

188,500

421,000

781,000

Related Tags:

Archives