There are 3 main sections of the library open to users.
Reference Room
Ang aklatan ay may humigit kumulang 20,000 na libro at dokumento na pinagbukod-bukod sa mga sumusunod na kategorya; Encyclopedia, diksyonaryo, pagaaral ng lengwahe Pagpapakilala ng ibang bansa Pagpapakilala ng Japan Mga tekisto galing sa buong mundo Picture books galing sa buong mundo Mga materyal para sa pagaaral ng salitang Hapon Mapa Internasyonal na impormasyon Ang serbisyo para mahanap ang ninanais na materyal at mga referrals sa basic data ng mga bansa sa buong mundo ay makikita sa entrance counter.Ang Reference Room ay may stock ng humigit kumulang 540 bulletins na nilimbag ng mga internasyonal na organisasyon. Ang mga bulletin na ito ay makakatulong ng malaki sa mga nais sumali sa international exchange and cooperation.
Ang mga educational materials tungkols sa pagunlad, tulad ng mga slides na nagpapakilala ng mga kultura at pamumuhay, kasama na ang isyu ng Hilaga-Timog na makakaapekto sa ating lahat, ay pwedeng mahiram ng mga non-profit na organisasyon tulad ng paaralan. Makipagugnayan na lang sa NIC para sa karagdagang impormasyon. Pwede rin sa pamamagitan ng telepono; 052-581-0102.
Ang mga libro at mga dokumento ay maaaring i-photocopy ng 10 yen sa isang pahina:
Reading Room
Ang Reading Room ay isang maliwanag na lugar sa dulo ng Library, nasa kaliwang bahagi ng pasukan. Dito ang mga bisita ay maaaring magbasa ng mga libro na nasa 25 na salita kasama ang English, mga diyaryo sa ibang bansa, at mga magasin.
Video Library
Sa gawing kanan ng pasukan sa Library, makikita ang Video Library, na may humigit kumulang 1,600 video cassettes at DVD. Ang ilang mga video ay maaaring maipahiram sa mga organisasyon tulad ng paaralan.
Dito maaaring makapanood ang mga bisita ng mga video tungkol:ibang mga bansa sa buong mundo, Chubu region at Nagoya, salitang Hapon, studies abroad, iba pang mga bagay na kaugnay sa internasyonal na pangunawa, sambayanan at kulura ng Japan
Search Terminal
Ang Computer System para sa Gabay ng Paggamit ng Library ay naitatag na!
Naitatag na ang bagong computer system para masaliksik ang mga libro o materyales. Maaaring m,agamit ng sinoman, sapagkat ang sytem ay nasa wikang English at Japanese.
Sister Cities Section
May bagong Sister Cities Section sa Reading Room. Dito makikita ang mga kopya ng pirmadong kasunduan para makaroon ng magandang pakikipagugnayan ang mga Sister Cities ng Nagoya: Los Angeles, Nanjing, Mexico City, at Sydney. Maaaring mabasa rin ang mga booklet ng mga ciudad na ito.






