Sa Nagoya International Center ay magkakaroon ng libreng konsultasyon na importante para sa mga banyaga ukol sa pagdedeklara ng buwis ng kanilang kita. Dahil sa limitado ang kapasidad, mangyari lamang po na magparehistro ang mga nais dumalo sa Nagoya International Center Public Information Division. Kailangan po ng reserbasyon. Ang pagpapareserba ay mula ika-10 (Martes) ng Enero gamit sa pamamagitan ng telepono (052-581-0100) o di kaya bumisita sa aming tanggapan.
Iskedyul ng konsultasyon:
- (1) ika-19 (Linggo) ng Pebrero Umaga 10 AM – 12 PM Hapon 1 PM – 4 PM
- Lugar: (1) Nagoya International Center 4F Exhibit Room (Nagoya City Nakamura Ward)
- (2) mula ika-25 (Sabado) ng Pebrero hanggang ika-11 (Linggo) ng Marso, mga Sabado at Linggo nito Hapon 1 PM – 5 PM
- Lugar: Nagoya International Center 3F Information Counter
* Mayroong pagsasalin sa Inglis, Portugal, Espanyol, Intsik. Walang pagsasalin sa Intsik sa ika-26 (Linggo) ng Pebrero at ika-4 (Linggo) ng Marso.
所:①名古屋国際センター4階 展示室 (名古屋市 中村区)






