NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Impormasyon at Serbisyong Tanggapan

Consultation counter para sa mga banyaga

★Libreng administrative consultation para sa mga banyaga

Ang libreng konsultasyon sa pamamagitan ng personal na pagbisita o pagtawag sa telepono para sa mga banyaga, hinggil sa anumang suliraning administratibo ay isinasagawa sa NIC Information Counter. Ang payo at tugon sa mga suliranin sa pang-araw-araw na pamumuhay mula sa mga eksperto ay isinasagawa sa 9 na wika. Mayroon ring 3-way interpretation system (trio-phone), ito ay konsultasyon sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono.

Bukod sa mga suliranin hinggil sa National Health Insurance, National Pension, National Tax, medical system ng bansa, pension, tax system, mayroon ring kasal, diborsiyo, imbitasyon sa anak o kapamilya ng banyagang asawa, employment o labor, batas na may kinalaman sa pagsisimula ng negosyo, atbp.

※ Sa mga araw ng Martes at Linggo ay may administrative officer na tutugon sa mga konsultasyon.

TEL: 052-581-0100 (tiyakin ang numero ng telepono sa pagtawag.)

e-mail: info@nic-nagoya.or.jp



★Wika, araw, oras ng probisyon

Martes~Biyernes

Sabado~Linggo

10:00-12:00

13:00-17:00

10:00-12:00

13:00-17:00

Nihongo

Ingles

Portuges

Espanyol

Intsik

×

Hangle

×

〇(Huwebes)

×

Tagalog

×

〇(Huwebes)

×

Vietnamese

×

〇(Miyerkules)

×

Nepali

×

〇(Miyerkules)

×

〇(Linggo)

★Libreng law consultation para sa mga banyaga

Ang Nagoya International Center, sa pakikipag-ugnayan ng Aichi Prefecture Lawyers Association ay nagsasagawa ng libreng konsultasyon hinggil sa batas, sa wikang Ingles, Intsik, Espanyol at Portuges. Bilang patakaran, ito ay para lamang sa mga residente ng Tokai Region (Aichi, Gifu at Mie)

Kailan: Tuwing Sabado, alas-10:00~12:30 ng tanghali.

Reserbasyon: TEL 052-581-6111 (Mag-iwan ng message sa answering machine. Makakatanggap ng tawag mula sa taong in-charge sa mga susunod na araw upang makumpirma ang inyong araw at oras.)

★Libreng personal counselling para sa mga banyaga

Sa Nagoya International Center, information counter sa 3rd floor ay mayroong libreng personal counselling (Kokoro no Soudan) kasama ang mga professional counselors. Ang NIC ay nakikipagkaisa sa probisyon ng personal care para sa mga banyagang may suliranin at alalahanin na dulot ng pang-araw-araw na pamumuhay. Kung may mga kakilala o kaibigan na may mga suliranin, ipaalam ang tungkol rito. Ang mga pag-uusap ay mananatiling confidential. Ito ay isinasagawa sa 4 na wika (Ingles, Portuges, Espanyol, Intsik). Ito ay libre. Kinakailangan ang reserbasyon. Bilang patakaran, ito ay para lamang sa mga residente ng Tokai Region (Aichi, Gifu at Mie)

Para sa mga katanungan/ reserbasyon: Information Counter Tel: 052-581-0100

★Libreng educational consultation para sa mga banyagang mag-aaral

Ang professional counselor ay tumutugon sa anumang educational information (impormasyon hinggil sa iba`t-ibang paaralan, transferring, buhay-eskuwela, problema, atbp.) para sa mga banyagang mag-aaral. Kinakailangan ang reserbasyon para sa serbisyong ito.

Maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng E-mail・FAX:

(FAX 052-571-4673 E-mail info@nic-nagoya.or.jp)

Kailan: Tuwing Miyerkules, Biyernes, Linggo; alas-10:00~17:00.

Saan: Nagoya International Center, 3rd floor, Information Counter

Katanungan・Reserbasyon: TEL: 052-581-0100 (Martes~Linggo 9:00~19:00)

★Consultation counter para sa mga naninirahang Refugees sa bansa

Sa Nagoya International Center Information Counter, ang kumakatawan sa Ministry of Foreign Affairs na Asian Welfare Education Foundation Corporation Headquarters (binanggit sa ibaba, Refugee Corporation Headquarters) ay nagsasagawa ng libreng konsultasyon para sa mga refugees. Ang counselor mula sa Refugee Corporation Headquarters ay tumutugon sa konsultsyon hinggil sa pamumuhay at mga aplikante ng refugee certification. Ito ay libre. Kinakailangan ang reserbasyon para sa serbisyong ito.

Tuwing Huwebes, alas-10:00~16:00 (sarado sa piyesta opisyal) * Sa itinakdang araw lamang.

Katanungan・Reserbasyon: (Public) Asian Welfare Education Foundation Corporation Headquarters Kansai Branch; TEL 078-361-1700

Website: http://www.rhq.gr.jp/index.htm

★Pakikipagkonsultasyon sa Nagoya Regional Immigration Services Bureau(名古屋出入国在留管理局による相談)

Maaaring kumonsulta sa kawani ng Nagoya Regional Immigration Services Bureau tungkol sa pamamaraan ng imigrasyon sa proseso ng pagpasok at paglabas sa bansa, pag-renew o pagbabago ng visa o ng katayuan sa paninirahan, at iba pa.  Ito po ay libre.

Wikang Gagamitin sa Pag-uusap:  Ingles, Portuges, Espanyol, Intsik, Koreano, Filipino, Vietnamese

Petsa at Oras:

Tuwing ika-4 na Sabado ng buwan 13:00~17:00 (huling oras ng tanggapan ay mula 16:00)

Taong 2023

Marso 25,
Abril 22, Mayo 27, Hunyo 24, Hulyo 22, Agosto 26, 
Septyembre 23, Oktubre 28, Nobyembre 25, Disyembre 23
Taong 2024
Enero 27, Pebrero 24, Marso 23

Oras ng Konsultasyon: 45 minuto bawa't isang tao

Babayaran: Libre

Aplikasyon: Puntahan o tumawag sa 052-581-0100 tanggapan ng aplikasyon
(9:00~19:00, sarado ang opisina ng Lunes.)

Panahon ng Aplikasyon:  Mag-apply nang hindi bababa sa 2 araw bago ang nais na petsa ng konsultasyon. 

Mga Itatanong Kapag Magpapareserba:

① Pangalan (Buong pangalan)
② Araw ng Kapanganakan
③ Nasyonalidad at Sariling Wika
④ Kasarian
⑤ Residence Card Number
⑥ Tirahan at Numero ng Telepono
⑦ Mga Ikokunsulta (Outline o Buod)

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.