Maaari kayong gabayan ng ekspertongadministrative scrivener (gyouseishoshi) at sumagot sa mga konsultasyon ukol sa mga proseso ng paglakad sa pagpasok at paglabas ng bansang Japan, visa, nasyonalidad, pagsisimula ng negosyo, at iba pang mga bagay.
*Bibigyan ng pangunahin ang mga may reserbasyon. Bilang patakaran, ito ay para lamang sa mga residente ng Tokai Region (Aichi, Gifu, Mie)
Kailan:Tuwing araw ng Miyerkules・Linggo
Wika:Ingles・Portuges・Espaǹol・Intsik・Hangle・Tagalog・Vietnamese・Nepali・Indonesian・Thai
Oras :ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon(huling konsultasyon ay alas 4~ ng hapon)
Haba ng konsultasyon:50 minuto kada tao
Admission:Libre
Aplikasyon:Reserbasyon sa telepono (052-581-0100) o dili kaya ay bumisita sa mismong Information counter(9:00~19:00 sarado tuwing araw ng Lunes)
Ang mga itatanong, sa oras ng pagbooking :
1. Pangalan
2. Kasarian
3. Nasyonalidad
4. Wika
5. Nilalaman ng ikokonsulta(kabuuran)
6. Telepono
Bilang karagdagang, ang Nagoya International Center ay nagbibigay ng konsultasyon sa pang araw-araw na pamumuhay, educational consultation, law consultation, personal counselling. Huwag mag atubiling magtanong.
Para sa detalye : https://www.nic-nagoya.or.jp/filipino/information-service-counter/
*Maaari rin suriin ang oras ng probisyon kung saan mayroon interpreters ng bawat wika sa parehong pahina.




