2020.07.28
Tanong:
Dahil hindi pa nakakapag-salita ng Nihonggo ang aking mga anak, balak ko sanang mag-aral muna siya ng Nihonggo bago pag-aralin sa Elementary o Junior High School. Saan po ako maaaring makahanap ng Japanese Language School?
Sagot:
Walang Japanese Language Schools para sa banyagang mag-aaral ng elementary o junior high school. Kung kaya't mas mainam na pag-aralin o ipasok ang anak sa elementary o junior high school, upang matutunan ang Nihonggo habang nag-aaral sa paaralan. Ang bata na tumuntong na sa edad na 15 taong gulang ay hindi maaaring tanggapin sa junior high school, kaya hangga't maaari ipasok ang anak sa wastong edad nababatay sa compulsory education ng paaralan pagdating dito sa Japan. Tungkol naman sa kung paano suportahan ang pag-aaral ng Nihonggo ay naaayon ito sa paaralang papasukan, kung kaya't makipag-ugnayan sa pinapasukang paaralan ng anak. At, mangyaring may nihonggo class tuwing sabado o linggo depende sa kinaroroonang lugar. Panatilihin lamang na maging aktibo sa pagpasok ang anak sa ganitong uri ng pag-aaral upang matuto ng Nihonggo. Ang Nagoya International Center Information Counter ay makakapagbigay ng impormasyon ukol sa mga lugar na mayroong Nihongo Class, makipag-ugnayan lamang.
Tanong:
Ang aking anak ay 15 taong gulang. Maaari ko bang ipasok siya sa junior high school?
Sagot:
Batay sa sistema ng edukasyon sa Japan, upang makapasok sa ikatlong baitang sa junior high school (chūgakko / 中学校), ang edad ng anak ay dapat tumuntong sa 15 taong gulang sa pasukan ng taong ito. Ang anak na may 15 taong gulang at magtatapos sa edad na 16 taong gulang sa buwan ng Marso, ay overage at hindi maaaring tanggapin sa junior high school.
Kapag may resident registration kayo sa inyong ward o municipal office, sabihin lamang sa staff na kayo ay nagnanais na ipasok sa junior high school ang anak, at pagkatapos tumanggap ng instruksiyon sa pagpasok sa junior high school ng inyong kinaroonang lugar (gakku / 学区), komunsulta lamang sa staff ng paaralan. Manggagaling sa prinsipal ng junior high school ang desisyon kung makakapasok o hindi ang inyong anak.