NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Pag-aaral ng wikang hapon

Pag-aaral ng wikang hapon

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Paghahanda sa kalamidad

Paghahanda sa kalamidad

  • Aktibidad ng disaster prevention
  • Magboluntaryo

    Magboluntaryo

    Magbasa ng katutubong libro

    Magbasa ng katutubong libro

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Impormasyon sa Pamumuhay

    Q & A sa Pamumuhay: Maaari ba na maipagpatuloy ang pamamasukan bilang chef kapag nagbago ng menu ang pinapasukang restoran? (外国人暮らしのQ&A「コックとして働いているレストランの料理が変わってもそのまま働けるか?」)

    2021.03.23

    Q
    Ang aking resident status ay Skilled Labor at namamasukan bilang chef sa Indian Curry Restaurant. Kapag nagbago ba ang may-ari ng restoran, o kapag nagbago ang lutuin na Indian sa Italian o iba pa ay maipagpapatuloy ko pa rin ba ang pamamasukan dito?

    A
    Kailangan ang resident status (zairyū shikaku / 在留資格) na Skilled Labor (ginō / 技能) sa isang dayuhan upang makapasok ng trabaho bilang chef sa Japan. Ang pamantayan upang magkaroon nitong resident status ay ang pagsali sa tungkulin ng paghahanda ng mga lutuin o paggawa ng mga pagkain na nangangailangan ng kasanayang naidisenyo sa ibang bansa at di karaniwan sa Japan, at may karanasan ng higit 10 taon gamit ang kakayahang ito (5 taon naman ang kailangang karanasan kapag sa Thai restoran, sa ilalim ng napagkasunduan ng Japan at ang Kingdom ng Thailand sa Economic Partnership.

    Kung ikaw ay nabigyan ng resident status na Skilled Labor sa batayang pamamasukan ng higit 10 taong karanasan sa paghahanda ng Indian cuisine, sa oras na baguhin ng pinapasukang restoran ang mga lutuing Indian sa ibang lutuin ay kakailanganin ang iyong praktikal na kasanayan bilang paghahanda sa bagong lutuin para maipagpatuloy ang iyong pamamasukan dito.

    Sa oras na walang karanasan para dito ang isang indibidwal na higit 10 taon (higit 5 taon kapag sa lutuing Thai) ay hindi maaaring mamasukang bilang chef sa restorang ito. Kung gayon, kailangan na maghanap ng Indian restoran na mapapasukan batay sa hawak ninyong resident status.

    Ngayon kung kayo ay namasukan ng higit 10 taon dito sa Japan, maaari na kayong mag-sumite ng aplikasyon bilang permanent resident (eijū kyoka shinsei / 永住許可申請). Kapag nagkaroon ng status na permanent resident (eijūsha / 永住者) ay wala ng limitasyon sa papasukang trabaho.

    Mga Balita at Kaganapan

    Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.