2020.03.08
Ang Senior Citizens' Pass (Keirō Pass)
- Sa lungsod ng Nagoya ay may probisyon ng Senior Citizen's Pass (Keirō Pass / 敬老パス) para sa mga senior citizen na magagamit sa pagbiyahe sa city bus, subway trains at iba pang serbisyo.
- Ito ay may bayad sa bawat pagbili.
Disenyo
Ito ay kulay gold at nakalagay ang expiration date at pangalan ng may-ari nito. (sa katakana).
Kuwalipikasyon
Residente ng Nagoya edad 65 at pataas (kasama ang mga banyagang residente)
Paano gagamitin ang Keirō Pass
- Sa pagsakay, itapat ang Keirō Pass IC card sa sensor ng Subway wicket gates at sa City Bus hanggang sa marinig ang tunog.
- Maaari rin itong i-charge hanggang 20,000 Yen value upang magamit bilang electronic money para sa pamimili at pagbiyahe sa pribadong transportation services.
Serbisyo at sektor kung saan maaaring gamitin ang Keirō Pass
Transportasyon | Sektor |
---|---|
City Bus, City Subway | Lahat ng ruta at linya |
Yutorito Line (ゆとりーとライン) | Sa pagitan ng Oozone (大曽根) at Kozoji (高蔵寺) |
Aonami Line (あおなみ線) | Buong linya |
Me~guru (Nagoya sightseeing route bus) | Buong ruta |
*Ang paggamit ng Keirō Pass sa Kamiiida Line sa pagitan ng Kamiiida (K01 / KM13) at Ajima (KM12)
I-charge ang Keirō Pass bago sumakay ng tren sa pagitan ng Kamiiida Sta. at Ajima Sta., At maaaring magsumite ng aplikasyon para sa reimbursement ng naging pamasahe sa ibang araw.
Ang proseso ng Issuance
Ito ay ipapadala sa pamamagitan ng postal service. Ang mga kinakailangan ay nakasaad sa ibaba.
Taong kuwalipikado | Procedure |
---|---|
Para sa mga taong tutuntong sa edad na 65 taong gulang. | Kayo ay padadalhan ng impormasyon hinggil sa proseso 3 buwan bago dumating ang inyong kaarawan. Ipadadala sa inyo ang card na balido para sa isang buong taon (mula 1 araw bago ang inyong kaarawan hanggang 2 araw bago ang susunod na kaarawan) pagkatapos mabayaran sa itinakdang petsa. |
Mga taong edad 65 at pataas na walang Keirō Pass (kasama ang mga senior citizens na lumipat sa Nagoya City mula sa ibang munisipalidad) | Magtanong sa Welfare Division ng inyong local ward office o Residents' Welfare Division ng inyong local branch office. 1 buwan pagkatapos ninyong bayaran ang aabutin bago ninyo matanggap ang Keirō Pass. |
Bayad
Ang issuance fee ay depende sa kategoryang nanaisin.
Halaga | Kategorya |
---|---|
1,000 Yen |
Mga residenteng mas mababa sa basic ang kabuuang household income.* Mga residenteng tumatanggap ng livelihood assistance at mga residual Japanese mula China |
3,000 Yen | Mga residenteng may mas mababa sa basic income, subalit ang ibang |
5,000 Yen | Residenteng tumatanggap ng halagang mas mataas sa basic amount. |
*Ang mga sumusuond ay ang basehang halaga
Halaga | Basehang halaga |
---|---|
Residenteng walang dependent | 350,000 Yen |
Residenteng mayroong dependent | 350,000 Yen × (dependent relative +1) + 210,000 Yen |
Biyudo o biyuda/ may kapansanan | 1,250,000 Yen |
Durasyon ng paggamit ng Keirō Pass
- Ito ay magagamit sa loob ng 1 buong taon mula sa petsang nakasulat sa card.
- 1 buwan bago ang expiration ay makakatanggap ng abiso kung paano ipa-renew ang Keirō Pass.
- Maaring isagawa ang renewal procedure ng Keiro Pass sa Nagoya City Subway stations, ward offices, o post offices, 29 araw bago ang expiration ng card na ginagamit.
Keirō Pass Interim Travel Card
Pagkatapos bayaran ang fee, kayo ay bibigyan ng Interim Travel Card (rinji jōsha-shō /臨時乗車証) na inyong magagamit bago dumating ang ika-65 na kaarawan hanggang sa dumating ang inyong Keirō Pass.
- Kung ang Keiro Pass ay matanggap ninyo ilang araw bago dumating ang inyong ika-65 birthday (Hal. Binayaran ang fee sa itinakdang petsa), hindi na kayo bibigyan ng Interim Travel Card.
- Pakatandaan lamang na ang Interim Travel Card ay hindi magagamit bago ang ika-65 na kaarawan ng card holder.
Kung ito ay binayaran sa... | Issuance procedure |
---|---|
Post offices sa loob ng Nagoya City |
Kung ito ay binayaran sa post office, makakatanggap ng Interim Travel Card. *Ang Payment counter at issuing counter ay nagkakaiba depende sa mga post office. Sa Nagoya Chuo Post Office, Nagoya Naka Post Office, Chikusa Post Office, Showa Post Office, Nakamura Post Office, Midori Post Office, Nakagawa Post Office, at Moriyama Post Office,magbayad sa Japan Post Bank counter, at makakatanggap ng Interim Travel Pass mula sa postal service counter. |
Institusyong pinansiyal bukod sa Japan Post Bank) | Ipakita ang resibo at ID na pagkakakilanlan sa Welfare Division ng inyong local ward office (o Residents' Welfare Division ng inyong local branch office), at makakatanggap ng Interim Travel Pass. |
Reissuance dahil sa ito ay ninakaw, kalamidad o pagkawala
Makipag-ugnayan sa Welfare Division ng inyong local ward office o Residents' Welfare Division ng inyong local branch office.
Dapat pag-ingatan
- Ang Keirō Pass ay magagamit lamang ng taong nakapangalan sa card. Ang paggamit ng ibang tao at paggamit nito bilang kolateral ay mahigpit na ipinagbabawal .
- Ang pagpapagamit sa ibang tao at paggamit nito ay may katapat na karagdagang bayad at kukumpiskahin at hindi na rin muli pang makakagamit ng Keirō Pass.
- Tiyakin na dala ninyo ang Senior Citizen's Handbook (keirō techō / 敬老手帳) kapag gagamitin ang Keirō Pass, ipakita ito sa staff kung kinakailangan.
Pagpapalit sa Welfare Special Pass (libre)
Para sa mga taong angkop sa kondisyon upang makatanggap ng Welfare Special Pass (fukushi tokubetsu jōshaken / 福祉特別乗車券, free), maaaring papalitan ang kanilang Keirō Pass ng Welfare Special Pass.
Aplikasyon at katanungan
Makipag-ugnayan sa Welfare Division ng inyong local ward office (kuyakusho) o Residents' Welfare Division ng inyong local branch office (shisho).