2020.07.15
Aplikasyon at Koleksyon ng Resident Tax (Jūminzei)
Ang Resident Tax (jūminzei / 住民税) ay pang-rehiyong buwis, kinokolekta ito ng hiwalay sa income tax (shotokuzei / 所得税), na isang national tax. Jūminzei ay binubuo ng municipal tax (shiminzei / 市民税) at prefectural tax (kenminzei / 県民税) na kinokolekta per capita (kintōwari / 均等割) at per income (shotokuwari / 所得割). Ang municipal at prefectural taxes ng mga indibidwal na residente ay sabay na ipinapataw at kinokolekta ng lokal na pamahalaan ng munisipyo kung saan nakatira ang residente.
Mga dayuhang residente sa Japan mula Enero 1 (batay sa petsa ng proseso) ay kailangang magbayad sa munisipyo kung saan nakatira ng kanilang jūminzei batay sa kinita ng nakaraang taon.
Bilang karagdagan, ang indibidwal na nagmamay-ari ng sariling negosyo, lugar ng negosyo, na nasa loob ng ward mula Enero 1, na hindi residente ng parehong ward, ay kokolektahan lamang sa kinita per capita.
Ang Jūminzei ay binabayaran ng 4 na beses o intallment basis, sa buwan ng Hunyo, Agosto, Oktubre, at Enero ng sunod na taon, gamit ang Tax Notice (nōzei tsūchisho / 納税通知書) o Tax Payment Slip (nōfusho / 納付書) na ipinapadala ng municipal tax office.
Para sa mga empleyadong sumasahod sa pinapasukang kumpanya, ang juminzei ay binubuklod sa 12 na beses o installment at ibinabatay ito sa kinita o sahod sa isang buwan mula sa buwan ng Hunyo hanggang buwan ng Mayo sa sunod na taon, batay sa ipinapadalang notice ng lungsod ng Nagoya.
Tingnan lamang ang website via QR code ng lungsod ng Nagoya para sa karagdagang impormasyon sa nilalaman ng Tax Notice sa Ingles, Intsik, Koreano, Espanyol, at Portugal.