Palatanungan : Dapat bang bigyan ng gantimpala ang sinumang makapulot at magbalik ng naisawalang mahalagang bagay na pagmamay-ari ko? (外国人暮らしのQ&A「遺失物を拾って届けた人に、報労金を支払わなければならないのか」)
2021.09.16
Tanong
Isang indibidwal ang siyang nakapulot at nag-report sa pulisya ng nawawala kong atm card. Nalaman ko na dito sa Japan ay kailangang bigyan ng gantimpala ang sinumang makapulot ng nawawalang bagay na pagmamay-ari ng ibang tao na 5 hanggang 20% ayon sa halaga ng napulot na bagay. Dapat bang bayaran ko ang halaga ng gantimpala para makuha o matanggap ang aking atm card pagpunta ko sa estasyon ng pulis? At magkano po ba ang halaga ng 5 hanggang 20% na value ng atm card? Ano ang gagawin ko?
Sagot
Una, ipaliwanag ang gantimpalang ibibigay para sa sinumang makapulot at magbalik ng nawawalang mahalagang bagay o ari-arian na pagmamay-ari ninyo.
Ang Batas sa Naisawalang Mahalagang Bagay o Ari-arian (ishitsubutsu-hō / 遺失物法) ay nagsasaad ng legal na karapatan o obligasyon para sa isang indibidwal na magbigay ng bayad o gantimpala (hōrōkin / 報労金) sa sinumang makapulot o magbalik ng naisawalang mahalagang bagay, na 5 hanggang 20% ayon sa halaga ng bagay na pagmamay-ari nito.
Ang sinumang indibidwal na makapulot ng mahalagang bagay na pagmamay-ari ng ibang tao, ay nararapat na ibalik agad ito sa may-ari, o agad na e report sa estasyon ng pulis, o sa manager ng pasilidad kung saan napulot ang isang bagay. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa ibinalik na bagay, pakay din ng pagbigay ng gantimpala ay hikayatin ang sinumang nakapulot na agarang ibalik ang nawawalang mahalagang bagay o ari-arian na pagmamay-ari ng ibang tao.
Walang malinaw na sagot sa kung magkano ang halaga kapag atm card. Kapag naisawala ang atm card, karaniwan ay gumagawa ng paraan gaya ng pag-kansela dito, at hindi naman maapektuhan ang account balance ng sinumang makawala nito, kung kaya ang atm card ay hindi masasabing isang mahalagang ari-arian. Dahil sa personal na impormasyon na kasama sa card at iba pa, maaaring may magkakaibang pananaw sa kung anong halaga ang mayroon ang card. Bagaman nakasalalay dito ang hangarin ng may-ari na makuha at maibalik sa kanya ang naiwalang bagay, sa pangkalahatan maaari itong maituring na sapat upang ipahayag ang pasasalamat para sa mabuting kalooban ng nagbalik nito, na naglaan ng oras at simpatiya upang subukan itong ibalik ang bagay sa nagmamay-ari nito.
Sa inyong sitwasyon, ang pulis ang siyang may idea sa intensiyon ng indibidwal o taong nakapulot at nagbalik ng inyong nawawalang atm card, kaya't kontakin ang pulis upang alamin ito sa kanila. Kadalasan, hindi humihiling ng gantimpala ang mga nakakapulot at nagbalik ng bagay o ari-arian na pagmamay-ari ng iba, pero kung hinihiling nila na sila ay nararapat na inyong bigyan ng gantimpala, ang halaga ay naaayon sa kung ano ang inyong mapag-usapan ukol dito.
Bilang karagdagan, maaaring itanggi ng may-ari ang pag-aari sa nawalang ari-arian. Sa pamamagitan ng pagtanggi dito, maiiwasan ng may-ari ang obligasyong magbayad o magbigay ng gantimpala. Ang pagtanggi sa pag-aari ng atm card, nangangahulugan na dapat ninyong gawin ang reissuance ng inyong atm card. Alamin sa banko ang kung ano ang nararapat na gawing aksyon para dito. Makipag-ugnayan lamang sa estasyon ng pulis para malaman ang mga impormasyon ukol sa Batas sa Naisawalang Mahalagang Bagay o Ari-arian at sa aplikasyon nito.