NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Pag-aaral ng wikang hapon

Pag-aaral ng wikang hapon

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Paghahanda sa kalamidad

Paghahanda sa kalamidad

  • Aktibidad ng disaster prevention
  • Magboluntaryo

    Magboluntaryo

    Magbasa ng katutubong libro

    Magbasa ng katutubong libro

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Impormasyon sa Pamumuhay

    Q & A sa Pamumuhay ng Mga Dayuhan: "Ano ang mangyayari sa mga magagastos ko sa pagpapagamot kapag ako ay na-ospital dahil sa Covid-19?" (外国人暮らしのQ&A「新型コロナで入院した場合、医療費はどうなる?」)

    2021.10.20

    Q    

    Nuong mga nakalipas na araw, ay nagkita kami ng kakilala ko na kinapitan ng COVID-19, at ngayon ay masama ang pakiramdam ko at may lagnat. Tumawag ako sa aking pinagtatrabahuan at hinihintay ko sa ngayon ang resulta ng PCR Test. Kung maging positibo ako, sinabi sa akin ng kumpanya ko na huwag akong pumasok at kailangan kong magpa-ospital at magpagamot. Paano na ang magagastos ko sa ospital? Ano ang mangyayari sa aking sasahurin sa panahon na ako ay hindi nakakapasok?

    A    

    Ang bagong impeksyon ng Covid-19 ay itinalagang "Nakakahawang Sakit" (shitei kansen-shō / 指定感染症) ng Ministry of Health, Labor and Welfare, (simula nuong ika-13 ng Pebrero, 2021, ang klasipikasyon nito ay, "Novel Influenza Infection" at iba pang impeksyon", [shingata infuruenza tō kansen-shō / 新型インフルエンザ等感染症]), batay sa "Act on Infectious Diseases Control Law" at "Pangangalaga sa Mga Pasyente na May Nakakahawang Sakit" (感染症の予防及び感染症の患者に対する医療に関する法律), kung kaya't ang mga gastusin sa pagpapagamot ay pangkaraniwang sakop ng pampublikong pondo. Gayundin, sa oras na kayo ay tumanggap ng pagpapagamot mula sa bumibisitang duktor sa inyong tinutuluyang pasilidad na nakalaan para sa mga taong may impeksyon (tulad ng hotel), o sa inyong tirahan, ang halagang nagastos ninyo sa pagpapagamot ay sasagutin din ng gobyerno mula sa pampublikong pondong ito.

    Ang bayad sa PCR Test ay pangkaraniwang libre para sa mga taong sinabihan na kailangang dumaan sa test na ito sa medikal na institusyon o health center, o napatunayang nagkaroon ng direktang kontak sa taong positibo sa impeksyon. (Kabilang sa inyong mga medikal na gastusin, ay maaari ring kayo ang magbayad ng medical examination fee at iba pang bayarin na walang kinalaman sa bagong impeksyon ng Covid-19, at mga gastusin habang nasa ospital ang pasyente, at iba pang mga bagay.) Kung magkano ang aabuting halaga, ay depende sa inyong situwasyon at sintomas, at hindi ito alam ng aming center.

    Bilang karagdagan, kung kayo ay hindi nakapasok ng matagal dahil sa pagpapagamot ng inyong sakit, at iba pa, at kung kayo ay miyembro o nakapasok sa "Shakai Hoken" o "Social Insurance" (Health Insurance sa inyong pinagtatrabahuan), kayo ay maaaring mag-apply para makatanggap ng "Injury and Sickness Allowance" ("shobyo teatekin" o "Allowance Para sa Pinsala at Sakit"「傷病手当金」) pagtuntong ng mula sa ika-4 na araw at paglagpas nito. Kayo ay babayaran ng mga halagang 2/3 ng inyong suweldo bilang "Injury and Sickness Allowance" o "Allowance Para sa Pinsala at Sakit". At kung maliwanag na ang pinagmulan ng inyong bagong impeksyon ng Covid-19 ay mula sa inyong pinagtatrabahuan, kayo ay masasakop ng "Rosai Hoken" ("Worker's Compensation Insurance Benefits" o "Benepisyong Seguro ng Kompensasyon Para sa Mga Manggagawa"「労災保険給付」).

    Dagdag dito, sa dahilang ang National Health Insurance ng Lungsod ng Nagoya ay nagbibigay ng "Injury and Sickness Allowance" ("shobyo teatekin" o "Allowance Para sa Pinsala at Sakit"「傷病手当金」) sa mga empleyado na kinapitan ng bagong impeksyon ng Covid-19 (kabilang dito ang paghihinala na may impeksyon ang empleyado dahil sa pagkakaroon niya ng sintomas ng lagnat, at iba pa), kung kaya't maaaring mag-apply para makatanggap nito. Makipag-ugnayan sa kani-kanilang National Health Insurance Office ang mga residente ng munisipal sa labas ng lungsod ng Nagoya.

    Mga Balita at Kaganapan

    Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.