Tanong at Sagot ng Pamumuhay: Paano kung nagpa rehistro ng diborsyo ang aking asawa lingid sa aking kaalaman? (外国人暮らしのQ&A:「もしも知らないうちに配偶者が勝手に離婚届を出したら」)
2022.04.16
Tanong
Nitong nakaraang buwan, ako ay sumang-ayon sa diborsyo, at ibinigay ko sa aking asawang Hapon ang pinirmahang dokumento para sa rehistrasyon ng diborsyo. Ngayon ay naramdaman kong dapat maglaan kami ng oras at ng mapag-isipan namin ang tungkol dito bago kami humantong sa hiwalayan. Ano ang mangyari kapag ang aking asawa ay nagawa ng isumite ang dokumento para sa rehistrasyon ng diborsyo sa ward office? Magagawa ko bang itigil ang diborsyo?
At, kung ang aking asawa ay nagsumite ng rehistrasyon sa diborsyo lingid sa aking kaalaman, maaari bang mapawalan ng bisa ang diborsyo?
Sagot
Ang rehistrasyon sa diborsyo (rikon todoke / 離婚届) ay isusumite kapag sumasang-ayon ang magkabilang panig sa kanilang desisyon para sa diborsyo. Kapag isusumite ang rehistrasyon sa diborsyo, kailangan na pumapayag ang magkabilang panig sa diborsyo.
Hangga't walang pagkakaiba sa mga detalye na nakasulat sa form o sa mga naaangkop na dokumento, at ang nilalaman ng nasa form ay nasa standard format, tila ang rehistrasyon ay tinatanggap (juri / 受理) sa mga tanggapan ng munisipyo. Kapag tinanggap ang form ng rehistrasyon, walang sistema para ito ay bawiin at ang pagpaparehistro ay balido.
Kung ang rehistrasyon sa diborsyo ay tinanggap subalit isa sa partido ay hindi sumang ayon sa diborsyo sa oras ng rehistrasyon, ay maaaring mag petisyon sa family court (katei saibansho / 家庭裁判所) para mapawalang bisa ang diborsyo na alinsunod sa batas. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pamamaraan, kung ano ang petisyon sa hukuman na nagsasangkot (arbitration, paghatol, personal na katayuan) at iba pa, ay kailangan kumonsulta sa abogado.
Kung ang isa sa partido ay Japanese national (o pareho), at hindi pa nagawang isumite ang rehistrasyon sa diborsyo, ang isa sa partido ay maaaring mag sumite ng kahilingan ng hindi pagtanggap ng pagpaparehistro ng diborsiyo (rikon todoke fu-juri mōshidesho / 離婚届不受理申出書) sa tanggapan ng munisipyo ng lungsod upang mapigilan ang pagpaparehistro ng diborsiyo na hindi pinagkasunduan ng parehong partido o lingid sa kaalaman ng isang partido.
Gayunpaman, kung ang pagpaparehistro ng diborsiyo ay tinanggap ngunit ang kumpirmasyon ng isang partido ay hindi makuha, ang alkalde sa tanggapan ng munisipyo ay magpapadala ng notipikasyon sa partido na ang rehistrasyon ng diborsyo ay isinumite at tinanggap.
Bilang pagwawakas, ang mga pamamaraan ng diborsiyo ay may kaibahan sa bawat bansa, at ang mga batas ng ibang mga bansa sa isyung ito ay maaaring may kaibahan sa Japan. Kahit na, sa panahon ng iyong paninirahan sa Japan, at ang iyong pagpaparehistro ng diborsiyo ay tinanggap bilang alinsunod sa batas ng Japan, maaaring hindi pa rin nito matugunan ang mga legal na kinakailangang proseso sa iyong sariling bansa. Kailangan pa ring alamin ninyo ang paraan para magkaroon ng bisa ang diborsyo sa sariling bansa, alinsunod sa proseso nito upang maisagawa ang diborsyo.