NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Pag-aaral ng wikang hapon

Pag-aaral ng wikang hapon

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Paghahanda sa kalamidad

Paghahanda sa kalamidad

  • Aktibidad ng disaster prevention
  • Magboluntaryo

    Magboluntaryo

    Magbasa ng katutubong libro

    Magbasa ng katutubong libro

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Impormasyon sa Pamumuhay

    Mga Q&A tungkol sa pamumuhay ng isang dayuhan "Hindi ako nagsumite ng "notification of moving out" sa labas ng lungsod bago ako lumipat " (外国人暮らしのQ&A「市外へ引っ越す前に転出届をしなかった」)

    2022.05.22

    Q

    Lumipat ako mula sa Nagoya City patungong Okinawa Prefecture isang buwan na ang nakalipas, ngunit hindi ako nagsumite "notification of moving out (tenshutsu todoke / 転出届)" sa ward office ng Nagoya City.

    Walang hawak na "Certification of Change of Residence (tenshutsu shōmeisho / 転出証明書)" na kinakailangan sa pag -sumite ng abiso sa paglipat o "notification of moving in (tennyū todoke / 転入届)" sa Okinawa Prefecture City Hall Kaya't hindi ko maipagpatuloy ang proseso. Maaari bang maisagawa ang proseso ng paglipat sa Okinawa Prefecture?

    A

    Maaaring isumite ang abiso sa paglipat o notification of moving out sa pamamagitan ng koreo. Ihanda lamang ang mga sumusunod na dokumento at ipadala ang mga ito sa Residents Affair Division ng Ward Office sa Nagoya City kung saan kayo nakatira (kapag sa isang branch, ay sa Community & Residents' Affairs Division).

    Mga dokumentong ipapadala:

    • Abiso sa paglipat o notification of moving out (maaaring i-download mula sa website ng Nagoya City)
    • Kopya ng mga dokumento sa pagpapatunay ng pagkakakilanlan (My Number card, driver's license, residence card, passport, atbp.)
    • Sobre na sinulatan ng inyong bagong address at dinikitan ng selyo.
    • Kung sakaling isasagawa ang proseso sa pamagitan ng "proxy", kakailanganin ang "power of attorney (ininjō / 委任状)" sa pagaasikaso ng proseso ng "Notification of Moving Out"

    Bukod sa mga kinakailangang dokumento, mas madaling maunawaan kung kasamang ilalakip ang inyong liham na nagpapahayag tulad ng "ako ay lumipat na" o "kailangan ko ang sertipiko ng paglipat o certificate of moving out" atbp.

    [Aplikasyon sa pamamagitan ng koreo "Abiso ng Paglipat o Notification of Moving Out"]

    https://www.city.nagoya.jp/sportsshimin/cmsfiles/contents/0000011/11424/tensyutu.pdf

    [Halimbawa ng "Notification of Moving Out" para sa aplikasyon sa pamamagitan ng koreo]

    https://www.city.nagoya.jp/sportsshimin/cmsfiles/contents/0000011/11424/tensyutu_kisairei.pdf

    [Power of attorney (address)]

    https://www.city.nagoya.jp/sportsshimin/cmsfiles/contents/0000011/11424/ininnjyou_todokede.pdf

    Kung hindi mai-download ang form ng "Notification of Moving Out", o kung nagkakaproblema sa pagaasikaso ng proseso, mangyaring makipag-ugnayan sa ward office ng ward sa Nagoya kung saan kayo dating nakatira. Maaaring tingnan ang mga Contact Information List ng Ward Office sa sumusunod na address.

    https://www.city.nagoya.jp/sportsshimin/page/0000011565.html

    Kung kailangan ng interpreter, maaaring gamitin ang trio phone ng Nagoya International Center. → 052-581-6112

    Kung mayroong hawak na My Number Card, maaaring gamitin ito upang maisagawa ang proseso ng abiso sa paglipat o notification of moving out. Sa kasong ito, ay hindi mabibigyan ng "Certification of Change of Residence" Matapos dumating ang abiso ng paglipat o notification of moving out sa ward office ng nilipatang ward, maaaring -isumite ang notification of moving in sa pamamagitan ng pagpapakita ng iyong My Number Card sa tanggapan ng munisipyo ng inyong bagong lokasyon.

    Ngunit mangyari lamang na tandaan na ang proseso sa paglipat gamit ang My Number Card, ay hindi maaaring isagawa matapos ang 14 na araw na nakalipas mula sa petsa ng paglipat o matapos ang 30 araw na nakalipas mula sa nakatakdang petsa ng paglipat.

    Kung lumipat mula sa ibang munisipalidad bukod sa lungsod ng Nagoya, mangyaring makipag-ugnayan sa munisipalidad na inyong nilipatan.

    Mga Balita at Kaganapan

    Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.