Suporta para matulungan ang mga long term na dayuhang residente na makahanap ng trabaho (お仕事を探している定住外国人の方の就職を支援します)
2022.05.22
Mula 2019, ang Aichi Prefecture ay nagsagawa ng programang 'Employment Promotion for foreigners' upang hikayatin ang mga residenteng dayuhan na nasa Japan (mga permanenteng residente, at iba pang dayuhang residente na walang labor restrictions) at aktibong makipagsalamuha sa lipunan, at upang mapataas ang kaalaman ng mga employer sa loob ng Aichi tungkol sa pagtatarabaho ng mga residenteng dayuhan.
Bilang parte ng programa, magbibigay ng konsultasyong serbisyo sa mga long-term residents para sa paghahanap ng trabaho o nag-iisip na lumipat ng trabaho upang isulong ang kanilang karera.
Nagbibigay serbisyo ang konsultasyon sa paggabay sa trabaho, suporta sa paggawa ng biodata, tulong sa pag-aaplay sa trabaho sa pamamagitan ng Hello Work, atbp.
Karapat-dapat: Mga dayuhang naninirahan sa Aichi Prefecture, o mga taong gustong magtrabaho sa Aichi Prefecture, at mga taong mayroong status ng paninirahan at walang labor restrictions, gaya ng
- Permanent Resident (Eijūsha / 永住者),
- Spouse of a Japanese National (Nihonjin no haigūsha tō / 日本人の配偶者等),
- Spouse of a Permanent Resident (Eijūsha no haigūsha tō / 永住者の配偶者等),
- Long-term Resident (Teijūsha / 定住者);
o ang mga taong nakakuha ng Japanese citizenship.
Kailan: Weekdays 9:00 - 17:00 (Hanggang Marso 31, 2023)
Paano makakatanggap ng konsultasyon: Makipag-ugnayan sa Administration Office sa pamamagitan ng telepono o sa e-mail.
Para sa personal o online na konsultasyon, kontakin ang Administration Office para sa reservation.
*Ang konsultasyon sa Online ay kailangan ng access sa Zoom o sa Microsoft Teams.
*Sa iyo ang singil ng data charges ng konsultasyon sa pamamagitan ng tawag o online.
Aichi Prefecture Employment Promotion for Foreigners Administration Office (愛知県「外国人雇用促進事業」運営事務局)
Will Agency Inc. (under contract to Aichi Prefecture)
Nagoya-shi, Nakamura-ku, Meieki 3-22-8, Daitokai Bldg 5F
(名古屋市中村区名駅3-22-8 大東海ビル)
Telepono: 050-5527-0895 (Weekdays 9:00 - 17:00)
*Walang serbisyo tuwing katapusan ng taon/bagong-taon.
E-mail: nagoya_saiyo@willagency.co.jp
Bayad: Libre
Mga Wikang Meron: Janapanese, English
*Mangyaring makipag-ugnayan sa Administration Office upang makakuha ng reserbasyon sa ibang wika.