Mula 2022 Abril 1, 2022 ang Taong nasa Edad 18 at 19 ay Legal na nasa hustong gulang (2022年4月1日18・19歳も大人です。)
2022.06.16
Sa ilalim ng pagbabago sa civil law, ang edad kung saan ang isang tao ay kinikilala bilang legal na nasa hustong gulang ay binago mula 20 naging 18 taong gulang.
Kung kayo ay o isa sa miyembro ng inyong pamilya at nasa edad na 18 o 19 taong gulang, mainam at mas mabuting alamin kung ano ang mga maaari at hindi maaaring gawin ng mga 18 at 19 na taong gulang mula Abril 1, 2022.
Mga bagay na maaari ninyong gawin pagtuntong ng ika-18 Kaarawan
Makipag kontrata sa pag-upa ng apartment
- Bumili ng smartphone
- Isyuhan ng credit card (*batay sa kakayahan ninyong magbayad, maaari kayong hindi isyuhan ng credit card.)
- Makakuha ng Loan upang makabili (*Maaring hindi kayo makakuha ng loan kung ang mga bayarin ninyo ay lumalampas sa kakayahan ninyong magbayad ng mga ito)
- Makakuha ng 10 year passport (kung kayo ay may Japanese nationality)
Mga bagay na hindi ninyo maaaring gawin hanggang sa umabot ng 20 taong gulang.
- Uminom ng Alak, manigarilyo
- Sumali sa government-controlled gambling (horse racing, cycle racing, boat racing, motorcycle racing)
Sa pagtuntong ninyo ng edad 18 at 19, kayo ay maaari ng sumang ayon sa kontrata para sa inyong sarili, na hindi na kailangan pa ng pahintulot ng magulang o tagapangalaga. Gayunpaman, dahil hindi na kayo menor de edad, hindi na kayo maaaring makipag ugnayan pa sa kontratang gawa para sa menor de edad (kontratang gawa ng menor de edad na walang pahintulot mula sa magulang o tagapangalaga).
Kayo na ang magdesisyon kung sasang ayon sa kontrata, at akuin ang responsibilidad para itaguyod ang kontrata. Mahalaga ang may sapat na kaalaman upang maiwasan na malamangan bilang isang mamimili.