NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Ang Nagoya City Museum Special Exhibition: Ang Makasaysayang Sakuna ng Nobi Plain (名古屋市博物館 伊勢湾台風60年事業 特別展「治水・震災・伊勢湾台風」)

2019.09.21

NCMIsewan_290x200.jpgTumaas ang kamalayan ng lahat pagkatapos manalanta ang East Japan Earthquake at ang tsunami kasunod nito, ngayong taon rin na ito ang ika-60 taon buhat nang manalanta ang bagyong Isewan (Vera). Ano ang mga sakuna na nakaapekto sa Nobi Plain, sa lugar malapit sa Nagoya sa nakaraan? Paanong hinarap ng mga mamamayan ang sakunang ito?
Hindi ang kalamidad kundi ang mga mamamayan na apektado ng anumang sakuna ang dahilan kung bakit masasabing ito ay sakuna. Mayroong malaking epekto ang danyos, bilang ng nasawi, ang muling pagsasaayos ng lugar sa mga rehiyong naapektuhan at katangian ng henerasyong ito. Ang eksibit na ito ay tumutukoy sa pagtugon ng lipunan sa makasaysayang sakuna na lubhang nakaapekto sa Nobi Plain, sa tema ng pag-unlad, kapaligiran at pagbibigay suporta sa mga naging biktima.


Kailan: September 21, 2019 Sabado hanggang November 4, 2019 Lunes (piyesta opisyal), alas- 9:30 - 17:00; huling entry ay 16:30). Sarado ng Lunes (o kasunod na araw kung ang Lunes ay piyesta opisyal) at sa ika-4 na Martes ng bawat buwan.
Saan: Nagoya City Museum (名古屋市博物館), Mizuho Ward
Akses: 5 minutong lakad mula Sakurayama Sta. (桜山駅, S11) Exit 4 ng Subway Sakura-dori Line (地下鉄桜通線).
Admission: General admission 300 (400) Yen; University at Senior HS students ay libre; Junior HS students at Elementary students ay libre; Residente ng Nagoya edad 65 at pataas ay libre. Mga may hawak na Certificate of Disability at 2 kasama nito ay libre. Kailangan ng Proof of ID para sa mga University at Senior HS students, Residente ng Nagoya edad 65 at pataas. Ang halaga sa loob ng ( ) ay kasama na ang admission sa permanent exhibition; Magbabayad ng karagdagang halaga para sa mga University & Senior HS students at Residente ng Nagoya edad 65 at pataas upang matunghayan ang permanent exhibition.
Website: http://www.museum.city.nagoya.jp/

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.