NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Yamazaki Mazak Museum of Art: "A Hapong Pintor na Nabuhay sa Bansang France Ang Mundo ni Kimura Chuuta (木村忠太) Ang Magandang Alaala ng Kulay at Linya" ヤマザキ マザック 美術館「フランスに生きた日本人画家 木村忠太の世界 色と線の美しい記憶」

2020.01.10

ヤマザキマザック.jpg

Si Kimura Chuuta (木村忠太1917-1987) na ipinanganak sa lungsod ng Takamatsu sa prepektura ng Kagawa ay ang pintor na bumiyahe at namuhay sa bansang France at duon siya umunlad at kinilala. Siya ay lumipat sa France nuong 1953 (Showa 28) sa edad na 36 na taong gulang, at nagpinta ng mga landscapes na naglalarawan sa Paris at gawing ka-Timogan (southern) ng France. Habang kaniyang ginagamit ang aktuwal na tanawin para sa kaniyang paksa, naipinta niya ang larawan mula sa kaniyang alaala ng tanawin na nasinagan sa loob ng liwanag na mayroong ispektakyular na kulay at mala-perpektong "free-flowing lines" (malayang pagguhit ng linya). Lumilitaw ang hugis ng mga tao at bahay, mga puno, kalsada, bisikleta, sasakyan, at iba pang bagay mula sa kaniyang paggamit ng mala-perpektong "free-flowing lines" (malayang pagguhit ng linya) sa loob ng ipinintang larawan na punung-puno ng ispektakyular na kulay, at naiiwan sa alaala ang nagniningning na kagandahan nito.
Sa exhibit na ito, ay maaaring makita ang kabuuang 58 piraso ng magkasamang koleksyon ng museo sa rehiyon ng Tokai at mga ipinintang personal na koleksyon, at ito ay isang pambihirang pagkakataon para makita ang mga ito sa rehiyon ng Tokai.

Petsa at Oras: Hanggang sa ika-8 ng Marso (Linggo) Weekdays: 10:00-17:30. Sabado/ Linggo/ Pista Opisyal: 10:00-17:00. Ang tanggapan ay hanggang 30 minuto bago magsara ito.
Sarado ng Lunes (Bukas ito kapag tumapat sa Pista Opisyal, at sarado kinabukasan), ika-28 ng Disyembre ~ ika-3 ng Enero
Saan: The Yamazaki Mazak Museum of Art (ヤマザキ マザック 美術館) sa Higashi Ward (東区)
Pagpunta: Nakakabit sa Shinsakae-machi Sta. (新栄町駅, H11) Exit 1 ng Subway Higashiyama Line (地下鉄東山線).
Admission: General Admission \1,200 (\1,000) Elementary, Senior at Junior HS students students \ 500; Ang pre-school na bata ay libre. Presyo sa loob nito ( ) ay para sa mga grupong 10 katao pataas. Libre ang audio commentary available.
Website:www.mazak-art.com

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.