NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Ang Kitano Tenjinsha Shrine Brush Festival 北野天神社筆まつり

2020.01.19

北天満宮.jpgAng pangunahing sinasamba sa Kitano Tenjinsha Shrine ng Kōnan City ay si Sugawara no Michizane (菅原道真; 845-903), ang Heian period scholar, manunula at politiko na sinasabing "Diyos ng Karunungan". Sa pagsisimula ng panahon ng eksaminasyon, dinudumog ang shrine ng mga estudyante at magulang upang magdasal ng para pumasa sa eksaminasyon. Ito ay nagsimula nuong 1964, bilang hakbang upang mapasaya ang lokal na komunidad, mula bandang 2:30 p.m. sa ika-19 ng Enero. Ang taunang prusisyon na pag-aalay ng higanteng brush na may sukat na 4 metro ang haba at may bigat na 50 kg. ay hinihila mula sa Central Park (中央公園) patungo sa shrine, kasama ang mga bata, adulto na nasa "malas na edad" at iba pang mga parisyonero.

Petsa: January 18, Sabado at January 19, Linggo.
Saan: Kitano Tenjinsha Shrine (北野天神社) at iba pang area sa Kōnan City (江南市)
Pagpunta: 2 minutong maglalakad mula direksiyong east ng Kōnan Sta. (江南駅, IY10), Exit 2 ng Meitetsu Inuyama Line (名鉄犬山線)

Photo courtesy of Kōnan City

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.