NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Ang Nagoya City Art Museum: Kishida Riusei - Ang pagbabalik-tanaw 名古屋市美術館「 没後90年記念 岸田劉生展」

2020.01.29

名古屋市美術館.jpgAng pintor na si Kishida Riusei (1891-1929) ay nag-iwan ng hindi mapapantayang impresyon sa kasaysayan ng Japanese modern art. Bagama`t siya ay nakilala sa mga portrait ng kaniyang anak na babae na si Reiko, si Kishida ay lumikha ng kakaibang mga masterpiece sa iba`t-ibang genre, kasama ang still life at landscape. Binigyang-diin ang presensiya ng bawat bagay, ang kagandahan at malalim na ispirituwalidad habang tinatahak ang kaniyang karera sa pagpipinta ng makatotohanang obra, na siyang nagbigay ng malakas na impluwensiya sa mas batang pintor. Ang eksibit na ito na siyang tanda ng ika-90 taon simula ng kaniyang biglaang pagkamatay sa edad na 38, ay magtatampok ng 150 piraso ng mga likha mula sa buong bansa. Mula sa watercolor paintings hanggan sa landscape paintings na kaniyang nilikha bago siya namatay, ito ay isang magandang pagkakataon upang matunghayan ang kaniyang mga likha.


Kailan: January 8, Miyerkules~ Marso 1, Linggo, 9:30 - 17:00; 9:30 - 20:00 sa Biyernes; Last entry 30 minuto bago magsara. Sarado ng Lunes ( bukas sa Enero 13, Pebrero 24), Enero 14, Martes at Pebrero 25.
Saan: Nagoya City Art Museum (名古屋市美術館), Naka Ward (中区)
Akses: 8 minutong maglalakad mula Fushimi Sta. (伏見駅, H09/T07) Exit 5 ng Higashiyama at Tsurumai Subway Lines (地下鉄東山線・鶴舞線); matatagpuan sa Shirakawa Park (白川公園).
Admission: General admission 1,400 Yen; Kolehiyo at Senior HS 900 Yen; Junior HS students at pababa. Kasama na rito ang admission sa permanent exhibition.
Website: http://www.art-museum.city.nagoya.jp/

Reiko Smiling (Important Cultural Property)
15 Oct. 1921
Tokyo National Museum
Image: TNM Image Archives
Exhibited 8 Jan. to 16 Feb.

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.