NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Ang Aichi Prefectural Museum of Art: Masterpieces of Impressionism: Ang Courtauld Collection 愛知県美術館「コートールド美術館展 魅惑の印象派」

2020.01.29

コートールド美術展.jpgAng Courtauld Gallery sa London ay isang treasure house ng mga kilalang Impressionist at Post-Impressionist works-Ang likha ni Manet na A Bar at the Folies-Bergère, Renoir's Theatre Box na naka-display sa First Impressionist Exhibition, ang The Card Players ni Cézanne. Te Rerioa ni Gauguin- na ilan lamang sa mga obra sa Courtauld. Bagama`t ito ay bihirang matutunghayan sa labas ng London, ang pagkukumpuni ng Courtauld ay nagbigay daan upang maipakita sa atin ang mga ito. Ang Courtauld ay itinatag ni Samuel Courtauld (1876-1947), isang industriyalistang Ingles na masugid na kolektor rin na may mahusay na mata pagdating sa arts. Determinadong maipakita ang paghanga sa modern French painting sa kaniyang bansa, masugid siyang nangolekta ng mga likhang ito lalo na noong taon ng 1920s. Sa taong 1932, nagdesisyon siyang magtatag ng art research at teaching institute sa University of London at ibinigay ang kaniyang koleksiyon sa gallery nito. Ang research institute ay pinangalanang Courtauld Institute of Art at ang Courtauld Gallery ay bilang exhibition space. Ang aspeto ng The Courtauld's research ay makikita rin sa mga materyales na nagbibigay-diin sa kasaysayan ng arts at scientific investigations ng bawat likha. Aming inaasahan na kayo ay masisiyahan sa talakayan kasama ang malawak na seleksiyon ng halos 60 piraso ng paintings at sculptures mula sa Courtauld Gallery.


Kailan: January 3, Biyernes~ March 15, Linggo,10:00 - 18:00; 10:00 - 20:00 tuwing Biyernes; ang Last entry ay 30 minuto bago magsara. Sarado ng Lunes (bukas sa January 13, piyesta opisyal; February 24, piyesta opisyal; March 9) at January 14 at February 25, Martes.
Saan: Aichi Prefectural Museum of Art (愛知県美術館), Aichi Arts Center (愛知芸術文化センター) 10F
Akses: 3 minutong maglalakad mula Oasis 21 (オアシス21) mula Sakae Sta. (栄駅, H10 / M05) ng Higashiyama o Meijo Subway Lines (地下鉄東山線・名城線) at Sakaemachi Sta. (栄町駅, ST01) ng Meitetsu Seto Line.
Admission: General Admission 1,600 Yen; Kolehiyo at Senior HS 1,300 Yen; Junior HS at pababa o mas bata ay Libre. May diskuwento ang mga may hawak ng Certificate of Disability. Kasama na sa halagang ito ang entrance sa iba pang eksibit.
Exhibition website: https://courtauld.jp/

Pierre-Auguste Renoir, The Theater Box, 1874, oil on canvas 80 x 63.5cm
The Courtald Gallery
© Courtauld Gallery (The Samuel Courtauld Trust)

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.