NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Nagoya City Science Museum Special Exhibition: Mammoth Exhibition 名古屋市科学館 特別展 「マンモス展~その『生命』の過去と未来~」

2020.03.14

★Dahil sa epekto ng bagong impeksyon na coronavirus, maaaring may mga pagbabago sa mga nilalaman o maaaring makansela ang mga ibento sa Nagoya at sa mga kalapit na lugar nito. Mangyaring i-tsek ang mga Official Site ng mga ibento para sa mga makabagong impormasyon.★

マンモス展.pngAng eksibit na ito ay nagtatanghal ng frozen specimens ng mga sinaunang nilalang, kabilang na ang ilang mga naeksibit sa unang pagkakataon sa buong mundo, na kailan lamang nahukay mula sa permafrost (makapal na subsurface layer ng lupa na nananatiling frozen buong taon) ng Sakha Republic ng pederasyon ng Russia. Ang Yukagir mammoth na naeksibit sa Expo 2005 Aichi ay muling magbabalik sa Japan para sa eksibisyon na ito. Galugarin ang kapanahunan kung saan ang mga mammoth ay nabuhay at pagpapakilala ng kasalukuyang pinakamakabagong Life Science Research Technology, at alamin kung ano ang ipinapangako ng teknolohiyang ito sa hinaharap at bigyan ng kaisipan ang mismong kalikasan ng buhay.


Kailan: Marso 14, Sabado hanggang Hunyo 14, Linggo 2020 (9:30 - 17:00; Huling oras sa pagpapasok 16:30) Sarado tuwing Lunes (bukas ng Mayo 4.), ika-3 Biyernes ng buwan (Bukas ng Marso 20), at Mayo 7 Huwebes.
Saan: Nagoya City Science Museum (名古屋市科学館) Science and Technology Building (理工館) B2F Temporary Exhibition Hall (イベントホール)
Akses: 5 minutong lakad sa timog mula sa Fushimi Sta. (伏見駅, H09/T07) Exit 5 ng Higashiyama o Tsurumai Subway Lines (地下鉄東山線・鶴舞線)
Bayad sa entrada: 1,600 (1,400) Yen; University & Senior HS ay 900 (700) Yen, kailangan may student ID; Junior HS & Elementary school students ay 500 (300) Yen. Ang presyo sa loob ng ( ) ay para sa mga advance sale tickets, mabibili mula sa mga ticket agents kabilang na ang Ticket Pia (P-code: 685-063). Sakop ang pagpasok sa lahat ng Nagoya City Science Museum exhibits, maliban ang planetarium.
Website: http://www.ncsm.city.nagoya.jp/
Exhibition website: http://www.mammothten-nagoya.jp/

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.