NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Ang Katangi-tanging Antigong Porselana ng Seto at Mino (やきものの心(わざ)に挑んだ瀬戸美濃の美)

2021.04.18

Ang mga ceramic ware ng distrito ng Seto at Mino ay may kasaysayan na mahigit pa sa isang libong taon, at ang mga karatig distrito nito ay may pirming kaugnayan dito sa mahabang panahon. Ang produksyon ng porselana ay ipinakilala sa Seto mula sa Akita noong panahon ng ika-19 siglo at agad itong lumaganap sa Mino, nabuo at lumaki upang matugunan ang mga pangangailangan sa pang-araw-araw sa komersiyal na pamilihan katulad ng Nagoya at Edo. Sa Meiji Era, habang ang produksyon at distribusyon ay iniwan ang Owari, dito ay nataguriang Seto-yaki (Seto ware), at nakilala ang Seto-yaki at Mino-yaki.
Napataas ang kalidad ng produktong porselana dahil sa paggamit ng cobalt oxide na pang-dekorasyon at casting na western techniques at naging likha ng sining kung saan matagumpay na nai-export ng bansa.
Ipapakita sa eksibisyong ito ang kagandahan ng modernong Seto-yaki at Mino-yaki na nagpahanga sa buong mundo dahil sa kahusayan ng techniques ng paglikha nito.

無題.png
KAILAN: Hanggang Hunyo 13, Linggo (10:00 - 17:00; makakapasok hanggang 16:30). Sarado tuwing Lunes (o ang susunod na ordinaryong araw kung ito ay nataon na piyesta opisyal.).
SAAN: Yokoyama Art Museum (横山美術館), Higashi Ward (東区)
PAGPUNTA: 4 na minutong maglalakad mula Shinsakae-machi Sta. (新栄町駅, H11) Exit 1 ng Subway Higashiyama Line (地下鉄東山線) o Takaoka Sta. (高岳駅, S06) Exit 3 ng Subway Sakura-dori Line (桜通線).
BAYAD: Pangkalahatan 1,000 (800) Yen; University & Senior HS students, Seniors (over 65) 800 (600) Yen; Junior HS students 600 (400) Yen; Holders of a Certificate of Disability 700 (500) Yen; Elementary school students at bata ay libre. Ang presyo sa loob ng ( ) ay para sa mga grupo na may 20 katao o mahigit pa.
Website: https://www.yokoyama-art-museum.or.jp/ (Japanese)

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.