NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Spring Journey - Dalhin mo ako sa Art Adventure! (アートとめぐる はるの旅)

2021.04.18

Tapos na ang mahabang taglamig at narito na ang tagsibol. Ito ang panahon ng pagtatapos, simula ng pasukan sa eskuwela at simula ng bagong buhay sa isang bagong lugar. Kung nais mong maglaan ng kaunting oras para sa iyong sarili mula sa iyong abalang pang-araw-araw na pamumuhay, halika't pumunta sa Art Museum, kung saan makikita mo ang iba't ibang mga likhang sining na may kaugnayan sa tema ng "paglalakbay".
Tawirin ang karagatan at damhin ang tanawin sa malayong lugar. Tingnan ang mga senaryo mula sa mga panahong hindi tiyak kung kailan at saan, at subukang paganahin ang imahinasyon hinggil sa panahon at lugar na ibang-iba mula sa kasalukuyan. At bakit nga ba di natin subukang humakbang patungo sa mas malayo, kung saan wala pang sinuman ang nakakarating. Doon sa pinakamalayong kalawakan!
Sa pamamagitan ng sining, ating malalakbay ang malalayong mundo. Gugulin ang isang magandang araw ng tagsibol sa Art Museum at mag-relaks sa paglalakbay sa mga likha ng sining!

アート.png

KAILAN: Marso 25, Huwebes hanggang Hunyo 6, Linggo (9:30~17:00 ; 9:30~20:00 Biyernes; makakapasok hanggang 30 minuto bago magsara.) Sarado tuwing Lunes (bukas sa Mayo 3), Mayo 6, Huwebes.
SAAN: Nagoya City Art Museum (名古屋市美術館), Naka Ward (中区), B1 Permanent Collection Exhibition Room
PAGPUNTA: 8 minutong maglalakad mula sa Fushimi Sta. (伏見駅, H09/T07) Exit 5 ng Higashiyama at Tsurumai Subway Lines (地下鉄東山線・鶴舞線); matatagpuan sa Shirakawa Park (白川公園).
BAYAD: Pangkalahatan 500 Yen; University at Senior HS students 300 Yen; Junior HS students at pababa, Libre.
Website: http://www.art-museum.city.nagoya.jp/

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.