NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Ukiyo-e at Nihon-ga - Ang Pananaw ni Hiroshige / Kagandahan sa Bansang Hapon 「浮世絵と日本画 ~広重の視点・日本の美~」

2021.05.19


Tingnan ang kagandahan ayon sa mga nakahayag na istilo ng pamumuhay

画像(かわら美術館).png

at kultura ng mga hapones sa pamamagitan ng eksibit na ito na

nagtatampok ng mga seryeng Ukiyo-e ni Utagawa Hiroshige na One Hundred Famous Views of Edo, at Nihon-ga (Japanese paintings) mula sa koleksyon ng Kawara Museum.

Ang mga ipininta niya sa serye hanggang sa siya'y mamatay, sa One

Hundred Famous Views of Edo, magaling na iginuhit ng pintor ang masiglang pamumuhay sa araw-araw ng mga mamamayan noong panahon ng Edo (Tokyo sa kasalukuyan).

Ipinanganak sa pamilya ng mga bumbero, at nagtrabaho rin bilang isang bumbero, ang pagtanaw mula sa tuktok ng tore ng mga pinunong bumbero ay lubhang nakaimpluwensiya sa kaniyang paghubog, Ang tanawin ng Edo na kaniyang naobserbahan, ang atmospera na kaniyang naramdaman ay naipahayag sa modernong tagahanga sa pamamagitan ng kaniyang makulay na sining.
Karagdagan sa ukiyo-e, matutunghayan rin ang ilang piraso ng Japanese paintings mula sa koleksiyon katulad ng de-tiklop na screen (karaniwang ginagamit noong unang panahon bilang partisyon) at scrolls (ginamit upang makilala ang Budihismo, subalit ipinalagay na isa sa mga dekorasyon na nagpaganda ng silid at nagpahayag ng kultura at tradsyon ng mga hapon.)
Masiyahan sa kakaibang istilo, ekspresyon at makulay na likha ng hapon na siya ring nakaimpluwensiya sa mga manlilikha sa labas ng bansa.

Kailan: Hanggang Mayo 30, Linggo (10:00~17:00) ,

sarado tuwing Lunes (bukas ng Mayo 3), Martes (Bukas ng Mayo 4), Mayo 6, Huwebes at Mayo 7, Biyernes.

Saan: Kawara Museum ng Takahama City, Hometown ng Ceramics (高浜市やきものの里 かわら美術館), Takahama City (高浜市)
Akses: Tinatayang 10-minutong paglalakad pakanluran ng Takahama-minato Sta. (高浜港駅, MU07) ng Meitetsu Mikawa Line (名鉄三河線)
Admission: Senior HS students at Matanda 300 Yen; Junior HS students at mas bata ay libre; mayroong diskuwento para sa mga may edad 75 pataas, at sa mga may hawak na Certificate of Disability, at iba pa.

Website: http://www.takahama-kawara-museum.com/index.html (Japanese)

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.