NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Ang Trahedya ng Kastilyo Loosdorf: Ang Pagkawasak at Panumbalik ng Lumang Imari 特別展 「海を渡った古伊万里 ~ウィーン、ロースドルフ城の悲劇~」

2021.05.19

Ang Imari ay makulay na porselana na hinangaan sa Europa noong ika-17 siglo ng mga maharlika at siya ring nagpaganda sa kanilang mga palasyo. Dahil na rin sa nagdaang World War II, karamihan sa mga koleksiyon ng Loosdorf Castle, Vienna ay nasira. Subalit, ang mga nasirang piraso ay iningatan at naipreserba hanggang sa kasalukuyan. Itinayo ang Old Imari Restoration Project ng mga tagahangang hapones, at pagkatapos ng ilang taon na pagsisiyasat at pagsasaayos ng mga nasirang obra, ang mga ito ay matutunghayan ngayon sa bansa. Ito ang unang eksibit ng mga lumang piraso ng Imari, pagkatapos mapaganda mula sa kanilang pagkasira. Dagdag pa rito, makikita rin ang ilang kahanga-hangang piraso mula sa Japanese collections kasama na ang koleksiyon mula sa Kyushu Ceramic Museum.

Kailan: Hanggang Hunyo 13, Linggo 画像(ロースドルフ城の悲劇).png(9:30~16:30; Huling pagpasok 30 minuto bago magsarado.) Sarado ng Lunes (Bukas ng Mayo 3), Mayo 6, Huwebes.
Saan: Aichi Prefectural Ceramic Museum (愛知県陶磁美術館), Seto City (瀬戸市)
Akses: 600-metrong paglalakad mula Tōjishiryōkan Minami Sta. (陶磁資料館南駅, L08) ng Linimo (リニモ) Line.
Admission: Pangkalahatang admission 900 Yen; University & Senior HS students 700 Yen; Junior HS students at mas bata ay libre; may diskuwento ang may hawak na Certificate of Disability at ang isang taong kasama nito (Kondisyon sa aplikasyon; suriin ang detalye sa website). (kasama sa admission ang presyo para sa permanent exhibit.)
Website: https://www.pref.aichi.jp/touji/index.html

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.