NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Nagoya Horikawa Cruise - Take a stroll on the river(なごや堀川クルーズ 堀川水上散歩)

2022.05.29

Ang Horikawa sa Nagoya ay binuo bilang isang kanal na pang-konekta mula sa Nagoya Castle at Ise Bay noong 1610, at ngayon ay muling nagbalik bilang transportasyon sa tubig!

堀川クルーズ.png

Galugarin ang syudad sa pamamagitan ng pagsakay ng bangka mula sa pagitan ng Nayabashi Bridge (7 minutong lakad mula sa Fushimi Station) at Asahibashi Bridge (3 minutong lakad mula sa Nagoya Castle) at masiyahan sa mga lutong pagkain ng Nagoya at ang mga kalahok na kainan na mayroong mga espesyal na bonus para sa mga pasahero ng cruise.

I-check kung may bakante at magpa-book at bumili ng ticket mula sa website (kinakailangan ng rehistro sa Recruit ID). Sumakay ng bangka sa Nayabashi o sa Asahibashi at tuklasin ang kasaysayan ng Nagoya at Horikawa kasama ng nakasakay na taga-guide.

Ipakita ang inyong tiket stubs o ang screen ng inyong reserbasyon sa Nagoya Castle at sa mga kalahok na mga restaurant at cafes upang makatanggap ng diskwento o espesyal na alok sa panahon ng kaganapan. (epektibo hanggang 7 araw mula ng sumakay). Halimbawa sa Nagoya Castle, ang admisyon ay may diskwento mula sa regular na 500 yen ay magiging 400 yen para sa pasahero ng cruise. Tingnan ang website para sa lahat ng mga kalahok na kainan at sa mga iba pang espesyal na alok.

Kailan: Mayo 8 (Linggo), 14 (Sabado), 15 (Linggo), 21 (Sabado), 22 (Linggo), 28 (Sabado), 29 (Linggo).

*Paki tinnang ang website para sa oras ng pag-alis sa bawat araw.

Saan: aalis ang bangka mula sa Nayabashi Bridge/納屋橋 (Pier Nayabashi / ピア納屋橋), at Nagoyajo-mae (Asahibashi Bridge / 朝日橋), Naka Ward (中区)

Tickets: Adults 500 Yen


Website: https://www.nagoya-horikawa-cruise.jp/ (Japanese)

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.