NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

"Pagsasakatuparan ng Pangarap ni Leonardo Da Vinci (1452-1519): Memoriyal na Exhibit ng Ika-500 Taon sa Takahama City" (「ダ・ヴィンチ没後500 年「夢の実現」展 ―ダ・ヴィンチがよみがえって高浜市にやってきます―」)

2022.07.10

Si Leonardo da Vinci ay isa sa mga pinakatanyag na painter sa buong mundo ng mga sikat na painting ng, The Last Supper at La Gioconda (Mona Lisa).

Subali't, sa loob ng 67 taon ng kanyang buhay, ay may natira lamang siyang 16 na piraso ng mga painting. Karamihan sa mga ito ay hindi natapos o nawawala at 4 lamang ang tanging nakumpleto ng buo.

Nuong 2019, sa ika-500 taong anibersaryo ng kaniyang pagkamatay, ay sinimulan ang restoration project na sinalihan ng halos 100 mag-aaral at alumni sa ilalim ng pangangasiwa ni Professor Hidehiro Ikegami ng Tokyo Zokei University, na kilala sa kaniyang pagsisiyasat kay da Vinci at iba pa, mula sa kaniyang pangarap na isakatuparan ang hindi natupad na pangarap nito, sa pamamagitan ng mkabagong teknolohiya, pagkalipas ng 500 daan taon.

ダヴィンチ.png

Sa kaniyang exhibit na nakasentro sa 16 na paintings, na naibalik gamit ang digital na teknolohiya base sa sayantipikong ebdensiya ng mga walang kulay na painting o mga nawalang parte, ay ididisplay ang mga bronze na estatwa ng Horse and a Rider, malalaking arkitekturang plano na hindi na natapos sa stage ng paggawa ng konsepto, at mga engineering na imbensiyon.

Ang pagtatatangkang itanghal sa exhibit ang mga gawaing ito na nasa kumpletong anyo ay kauna-unahan sa buong mundo. Sa pag-exhibit ng mga naibalik niyang 30 pirasong tanyag na likhain, ay maipapakilala sa lahat kung bakit siya nataguriang "Oumo Bersale" o "Rennaisance Ma"n dahil sa pagkakaroon niya ng saloobing walang-sawa sa paglikha ng mga makabuluhang bagay

Petsa: Hanggang Linggo ng Hulyo 10 (10:00 - 17:00; Pagsasara ng Pagbebenta ng Ticket - 16:30.) Sarado tuwing Lunes at Martes.

Lugar: Kawara Museum ng Takahama City, Hometown ng Ceramics (高浜市やきものの里 かわら美術館), Takahama City (高浜市)

Access: Humigit kumulang sa 10 minutong paglalakad patungong Kanluran mula sa Takahama-Minato Sta. (高浜港駅, MU07) ng Meitetsu Mikawa Line (名鉄三河線)

Admission: General Admission \ 800 (\ 640); Junior HS students at mas bata ay libre.

Ang mga presyo sa loob ng ( ) ay para sa grupo ng mga may 20 katao o higit pa at mga residente ng Takahama City.

May diskwento para sa mga taong may edad na 75 o higit pa., Certificate of Disability holders, at iba pa.


Website: http://www.takahama-kawara-museum.com/ (Japanese)

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.