NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Palaisdaan (Ukai) sa ilog ng Kiso (木曽川うかい)

2022.10.15

Ukai.png

Ukai (鵜飼) ay panghuhuli ng isda gamit ang sinanay na mga ibon ( / u) upang manghuli, lumulon at iluwa ang mga nahuling isda.

Ang bukod-tanging paraan na ito ay nagmula pa sa sinaunang henerasyon. Naitala ang unang Ukai sa ilog ng Kiso noong taong 702. Mula taong 1909, ang aktibidad na ito ang pangunahing tourist attraction ng lugar.

Depende sa panahon at kondisyon ng tubig sa ilog, mayroong Ukai tours araw-araw hanggang sa pag-uumpisa ng taglagas. Ang bawat paglalayag ay umaabot ng 1 oras at 15 minuto (walang pagkain) o 2 oras at 30 minuto (may pagkain) at ang mga panauhin ay dinadala sa pinakamalapit na lugar mula sa bangkang pang-Ukai. Maraming lugar ang gumagawa ng Ukai tours, subalit bukod-tangi ang sa lungsod ng Inuyama dahil ito ay isinasagawa hindi lang sa gabi kundi pati na rin sa umaga.

Ukai sa araw

May pagkain: Hunyo 1 ~ Oktubre 15, 11:30 ~ 13:50, Martes, Huwebes, Sabado, Linggo

Bayad: Adulto 5,000 Yen ; Bata (edad 4~11) 3,600 Yen ; may pagkain

Ordinaryong sightseeing plan:

Hunyo 1 ~ Oktubre 15, 12:30 ~ 13:50 Martes, Huwebes, Sabado, Linggo

Bayad: Adulto 3,000 Yen ; Bata (edad 4~11) 1,500 Yen ; walang pagkain

Ukai sa gabi

May pagkain: Hunyo 1 ~ Agosto 31, 17:45 ~ 20:15

Septyembre 1 ~ Oktubre 15, 17:15 ~ 19:45.

Bayad: Adulto 3,000 Yen ; Bata (edad 4 ~ 11) 1,500 Yen ; walang pagkain

Maaaring umorder ng pagkain kung magpapareserba. (Makikita ang uri at presyo ng mga ito mula sa website). Mayroong 500 yen na babayaran para sa mga

magdadala ng sariling pagkain; o ng sariling inumin.

Ordinaryong sightseeing plan: Hunyo 1 ~ Agosto 31, 19:00 ~ 20:15

 

Septyembre 1 ~ Oktubre 15, 18:30 ~ 19:45

Bayad: Tingnan ang Dinner tours sa ibaba.

Reserbasyon: Kisogawa Tours

Tel: 0568-61-2727 (Hunyo hanggang Oktubre ; 9:30-18:00) o magpareserba mula sa website.

May cancelation charge. Kailangan ang reserbasyon sa lahat ng tours, gawin ang reserbasyon sa loob ng 3 araw mula sa iskedyul ng aktibidad.

Saan: Kiso River (木曽川), Inuyama City (犬山市)

Akses: 5 minuto maglalakad papuntang Ukai Boat Boarding Area mula Inuyamayūen Sta. (犬山遊園駅, IY16) East Exit ng Meitetsu Inuyama Line (名鉄犬山線).


Website: www.kisogawa-ukai.jp (Japanese)

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.