2021.05.29
Ito ay ang aktibidad para sa pagsali ng mga banyaga at mga Hapones at kanilang lilibutin ang mga lugar sa lungsod ng Nagoya na makasaysayan at mayaman sa kultura. Sila ay sasamahan at gagabayan ng mga boluntaryong NIC Walking Guides. Ang pupuntahang course sa ngayon, ay ang Atsuta Shrine at Shirotori Garden.
Petsa at Oras: ika-29 ng Mayo (Sabado) 10 AM ~ 12 PM
Makakasali: Mga banyaga at Hapones
Bilang ng Makakasali: Banyaga - 10 katao (first come first serve)
Hapones - 5 katao (Palabunutan)
Babayaran: \ 300 (Entrance fee ng Shirotori Garden. \ 100 lamang para sa mayroong "Keiro Pass")
(Tatanggap ng aplikasyon para sa mga Hapones sa pamamagitan lamang ng pagpadala ng e-mail hanggang sa ika-8 ng Mayo (Sabado) ng 5 PM)
※Para sa mga nangangailangan ng interpreter maliban sa wikang Ingles, ay mangyaring mag-apply hanggang ika-15 ng Mayo (Sabado).
Mag-apply o Tumawag sa: Nagoya International Center Information Counter
Telepono: 052-581-0100 E-mail:nicwalking@nic-nagoya.or.jp