NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

NIC Nihongo Class para sa mga Kabataan na High School(NIC高校生日本語教室 5月~7月ターム)

2022.05.08

Magsasagawa ng klase upang bumuo ng pundasyon ng kasanayan sa wikang Hapon na kinakailangan upang pag-aralan ang asignaturang pang akademiko para makapagtapos sa mataas na paaralan at mapaunlad ang karera ng mga dayuhang mag-aaral.

Flyer

Petsa at OrasMayo 15 Hulyo 17, tuwing araw ng linggo 14:0016:00 (10 beses)

LugarNagoya International Center 3F, Room 2

May posibilidad na maging online, depende sa sitwasyon ng covid-19.

MakakasaliMga dayuhang mag-aaral ng high school o mag-aaral na naglalayong makapag-aral sa high school (mga batang ipinanganak bago ang Abril 1, 2007)

Para sa mga naka-enroll sa Junior High maliban sa mga nakapasok sa Night Shift Junior High, mangyaring sumali sa NIC Nihonggo Class para sa mga Bata.

Ibinibigay ang prayoridad sa mga mag-aaral o naninirahan sa loob ng lungsod.

Kapasidad15 katao (pagpipilian)

Bayad2,000 yen (para sa 10 beses)

AplikasyonSa Nagoya International Center homepage gagawin ang tanggapan ng aplikasyon.

Panahon ng AplikasyonAbril 26 (Martes) 10:00 ~ Mayo 7 (Sabado) 17:00

Kailangang tumanggap ng panayam ang mga nag-apply. Sa oras na marami ang bilang ng nag-apply ay pipiliin namin ang makakasali sa pamagitan ng panayam.

Petsa at oras ng panayamMayo 8 (Linggo) 14:00

Lugar ng panayamNagoya International Center 4F, Room 3

Ang NIC Nihongo Class para sa mga Kabataan na High School(NIC高校生日本語教室5-7月ターム)
Natapos na ang tanggapan.


Ang TatawaganExchange Cooperation Division

 Tel052-581-5689  Emailvol@nic-nagoya.or.jp

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.