NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Tumatanggap ng Mga Mag-aaral: Panggabing Klase ng Jr. High School Para sa Special Lecture sa Mikawa Area(中学夜間学級三河地区特別講義 受講生募集)

2021.12.11

Ang panggabing klase ng junior high school (chūgaku yakan gakkyū / 中学夜間学級), ay naglalayon na mabigyan ng oportunidad ang mga hindi nakapagtapos ng junior high school dahil sa iba't-ibang kadahilanan, ng pang-akademiyang kakayahan na halos kapareho ng level para sa pagtatapos sa junior high school, upang sila ay magkakuha ng kwalipikasyon ng pagtatapos sa junior high school.

Ukol sa Pagtanggap:

  • Ang Makakapasok:

Ang parehong pasado sa mga requirement ng ① at ② na nasa ibaba:

① May edad na 15 taong gulang pataas

② Nakatira sa Prepektura ng Aichi

  • Bilang ng Makakapasok: Mga 20 katao
  • Lugar: Aichi Youth House/ 愛知県青年の家 (1-2 Namimatsu, Miai-cho, Okazaki City)
  • Petsa at Oras: ika-11 ng Disyembre (Sabado) 9:45-15:00

(Magsisimula ang tanggapan ng 9:15 a.m.)

  • Babayaran: Libre
  • Mga Pag-aaralan: Wikang Hapon, Wikang Ingles, Pisikal na Edukasyon
  • Mga Dadalhin: tanghalian, damit na pang-ehersisyo, gym shoes

Panahon ng aplikasyon: Oktubre 1 (Biyernes) - Disyembre 1 (Miyerkules), 2021

Paraan ng Pag-aapply: Sagutan ang mga kailangang impormasyon sa Application Form (Maaaring i-download ito mula sa: https://www.aichi-kyo-spo.com/education/yakan/yakanchuugaku.html) at ipasa ito sa Aichi Prefectural Education and Sports Promotion Foundation

Ang Tatawagan / Pagpapasahan ng Aplikasyon:

Aichi Prefectural Education and Sports Promotion Foundation

〒460-0007

Nagoya-shi Naka-ku Shinsakae 1-49-10

2nd Flr. ng Aichi-ken Kyōiku Kaikan (Aichi Prefectural Education Center)

Telepono: 052-242-1588

Homepage: https://www.aichi-kyo-spo.com/education/yakan/yakanchuugaku.html

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.