2022.08.26
【Agosto 25, 2022 Update】
Ukol sa Nagoya City Child-Rearing Household Life Support Special Benefits
名古屋市子育て世帯生活支援特別給付金について
Ang pamilya na nag-aalaga o nagpapalaki ng anak nguni't maliit lamang ang kinikita o sinusuweldo, ay makakatanggap ng \ 50,000 na benepisyo para sa bawa't 1 anak.
※Ang mga nakakatanggap ay ang pamilyang may inaalagaang anak na hindi lalagpas sa 17 taong gulang (19 na taong gulang naman kung ang anak ay handicap, may kapansanan o disabilidad) nuong petsa ng Marso 31, 2022.
【Taong Hindi Kailangang Mag-apply】
1. Para sa taong tumanggap ng o child-rearing allowance (jido fuyo teate) ng para sa Abril, 2022 at siya ay Resident Tax exempt o hindi kailangang magbayad ng Resident Tax:
Nuong Hunyo 9, 2022, ay naipasok na sa kaniyang bank account ang benepisyong pera mula sa Lungsod ng Nagoya.
2. Para sa taong tumira sa labas ng Lungsod ng Nagoya nuong petsa ng Enero 1, 2022, at siya ay Resident Tax exempt o hindi kailangang magbayad ng Resident Tax:
Nuong Hulyo 28, ay pinadalahan na siya ng notipikasyon ng pagbababayad ng benepisyo. Nuong Agosto 9, ay naipasok na sa kaniyang bank account ang benepisyong pera mula sa Lungsod ng Nagoya.
3. Para sa mga taong nag-aalaga o nagpapalaki ng anak na ipinanganak sa petsa ng mula Abril 2, 2022 hanggang Pebrero 28, 2023, Resident Tax exempt o hindi kailangang magbayad ng Resident Tax, at makakatanggap child allowance (jido fuyo teate) o special child-rearing allowance (tokubetsu jido fuyo teate):
Simula Hulyo 11, ay pinadalahan na siya ng notipikasyon ng pagbababayad ng benepisyo, at simula Hulyo 21 ay naipasok na sa kaniyang bank account ang benepisyong pera mula sa Lungsod ng Nagoya.
【Taong Kailangang Mag-apply】
※Deadline ng Pagpasa ng Application Form: Hanggang sa Pebrero 28, 2023
(1) Single Parent Household:
1. Ang taong hindi nakakatanggap ng child-rearing allowance (jido fuyo teate) ng para sa Abril 2022 sa dahilang tumatanggap na ng Public Pension
2. Ang taong hindi nakakatanggap ng child-rearing allowance (jido fuyo teate) ng para sa Abril 2022 nguni't, dahil sa impeksyon ng bagong Covid-19 ay naapektuhan at lumiit ang kita o suweldo o iba pang pinagkikitaan, at ang kinikita o suweldo ay naging katumbas din sa isang beneficiary o tumatanggap ng child-rearing allowance
(2) Maliban pa sa Single Parent Household:
1. Ang taong Resident Tax exempt o hindi kailangang magbayad ng Resident Tax (per capita basis) para sa Piskal na Taong 2022, at hindi tumatanggap ng child allowance (jidoteate), o iba pang allowance (Ang taong nag-aalaga o nagpapalaki lamang high school na mag-aaral)
2. Dahil sa impeksyon ng bagong Covid-19 ay naapektuhan at nabawasan ang kita o
suweldo, at ang kaniyang Resident Tax para sa Piskal na Taong 2022 (per capita basis) ay naging katumbas din ng isang Resident Tax exempt o hindi kailangang magbayad ng Resident Tax.
Paraan ng Aplikasyon:
Kapag kayo ay tumawag sa Nagoya City Child-Rearing Household Life Support Special Benefits Call Center, kayo ay padadalahan ng return envelope na may kalakip na leaflet ng impormasyon, Application Form, at iba pa.
Nagoya City Child-Rearing Household Life Support Special Benefits Call Center
● Single Parent Household: TEL 052-269-1455
● Maliban pa sa Single Parent Household: TEL 052-269-1455
Ito ay bubuksan hanggang sa Pebrero 28, 2023.
Oras ng Tanggapan: 9:00 a.m. - 5:30 p.m. ng ordinaryong araw
※Ito ay bukas ng Sabado, Linggo at Pista Opisyal hanggang sa Agosto 31.
※Kung kayo ay mangangailangan ng interpreter sa inyong wika, ay pakigamit po ninyo ang Trio phone na serbisyo ng Nagoya International Center (052-581-6112).
【Oktubre 27,2022 Update】
COVID-19 Independence Support Benefit / Benepisyong Pinansyal para sa mga Taong Nangangailangan (新型コロナウイルス感染症生活困窮者自立支援金について)
【Iskedyul ng Aplikasyon】
~ Marso 31 2023
【Maaring mag-apply ang mga sumusunod】
・Mga sambahayang natapos na ang muling nahiram/nautang na General Support Funds o mga sambahayang nagpapanatili ng kabuhayan na matatapos na ang nahiram/nautang sa buwan ng Nobyembre.
・Mga sambahayang nagpapanatili ng kabuhayan na hindi naaprubahan ang muling makahiram/makautang ng General Support Funds.
※Ang mga taong nagkapag-loan bago mag-Nobyembre 2021 sa muling pagpapahiram ng Comprehensive Support Funds, ay napadalhan na ng notipikasyon.
Sa mga tao naman na muling nakapag-loan mula Disyembre 2021 hanggang Marso 2022 ay padadalhan ng notipikasyon matapos makahiram.
【Mga Kondisyon sa Pag-apply】
Mga taong tumutugma mula ①~③ na sumusunod.
①Ang taong nagpapanatili ng kabuhayan ng sambahayan
②Sa buwan ng aplikasyon, ang kabuuang halaga ng kita ng aplikante o ng mga taong naninirahan kasama ng aplikante sa parehong lugar ay dapat mas mababa sa Standard Income Amount. Bukod roon, dapat na ang kabuuang halaga ng deposito o ipon ay kinakailangang mas mababa o katumbas ng Standard Income Amount.
○ Standard Income Amount atbp.(kapag ang bilang ng tao sa isang sambahayan ay 1~5)
BILANG NG SAMBAHAYAN | STANDARD INCOME AMOUNT |
STANDARD ASSET AMOUNT |
---|---|---|
1 katao | 121,000 Yen | 504,000 Yen |
2 katao | 174,000 Yen | 780,000 Yen |
3 katao | 220,000 Yen | 1,000,000 Yen |
4 katao | 262,000 Yen | |
5 katao | 303,000 Yen |
③Ang aplikante o mga kasamang naninirahan ng aplikante sa parehong lugar na hindi dapat tumatanggap ng mga mga benepisyo mula sa National Employment Program (hal. job training benefit) o kapareho ng benepisyo na inilalaan ng mga lokal na pamahalaan.
※Habang nasa kalagitnaan ng aplikason sa Livelihood Protection (seikatsu hougo/生活保護) at hindi pa lumalabas ang resulta, ay maaaring mag-apply ng Independence Support Benefit para sa mga Taong Nangangailangan (jiritsu shi-en kin/自立支援金). Ngunit hindi maaaring pagsabayin ang pagtanggap ng benepisyo sa Livelihood Protection (seikatsu hougo/生活保護) at Independence Support Benefit para sa mga Taong Nangangailangan (jiritsu shi-en kin/自立支援金).
【Halaga ng Independence Support Benefit para sa mga Taong Nangangailangan】
○ Halaga (Sa pangkaraniwang patakaran, mabibigyan ng 3 buwan)
1 katao na sambahayan 60,000 yen/buwan
2 katao na sambahayan 80,000 yen/buwan
3 o higit na katao na sambahayan 100,000 yen/buwan
【Kinakailangang Dokumento】
(1) Application Form sa Independence Support Benefit para sa mga Taong Nangangailangan
(2) Consent/Confirmation Form
(3) Kopya ng Residence Register (juminhyou/住民票) ng bawat miyembro ng sambahayan
(4) Financial Assistance Loan Agreement para sa mga walang trabaho (kopya) o Loan Application Acceptance Notification
(5) Kopya ng Bankbook ng bawat miyembro ng kasamang naninirahan
<Mga Pahinang Kinakailangan ng Kopya>
・Pahinang makikita ang Account Number, Pangalan at Account Balance
・Pahina ng Bankbook ng aplikante na nagpapakita ng Account ng Loan para sa Transfer ng Financial Assistance sa taong walang trabaho.
(6) Dokumento na nagpapakita ng estado ng kinita(wages, pension, unemployment allowance iba pang public assistance
・Kopya ng wage payments o salary slips, Pension Certificate, Certificate of Qualification para sa employment insurance atbp.
・Kung walang payments slips, kailangan maghanda ng kopya ng pahina ng inyong bankbook na nagpapakita ng estado ng mga deposito sa inyong account.
※ Kapag WEB banking, maaaring makapag-apply kung nakasaad ang mga kakailanganing data kahit na kopya ng inyong ugnayan sa banko.
(7) Kopya ng job application slip (hellowork card) na natanggap mula sa hellowork
※ Para sa sambahayang tumanggap ng Housing Security Payment Assistance, ang (1) at (2) lamang ang maaaring makapag-apply.
【Kontakin ang sumusunod para sa Detalye o Aplikasyon】
City of Nagoya Independence Support Benefit Center
〒462-8558 Nagoya-shi, Kita-ku, Shimizu 4-17-1, Nagoya-shi Sogo Shakai Fukushi Kaikan 5F
TEL 052-919-2310
Oras ng Pagtanggap ng Tawag: Lunes - Biyernes (Maliban sa piyesta opisyal) 9:00 A.M. - 5:00 P.M.
※ Sa oras na kinakailangan ng interpreter, maaaring gamitin ang trio-phone ng NIC (052-581-6112). Para sa magagamit na wika at iskedyul, tingnan dito.
【 Septiyembre 3, 2020 Update】
- Para sa mga empleyado ng mga Small and Medium Enterprises / Companies na isinara sa utos ng Company Owner dahil sa impluwensya ng COVID-19
Kung hindi nakatanggap ng Leave Allowance, ito ay isang sistema kung saan maaari tumanggap ng 80% ng sahod noong bago magsara ang kumpanya.
【Agosto 18, 2020 Update】
- Hinggil sa sistema ng pagpapaliban sa Bayarin sa Tubig
Bilang pagtugon sa epekto ng COVID-19 para sa pamumuhay ng mga residente at sa mga aktibidad sa negosyo at proteksyon sa pagsasagawa ng paghuhugas ng kamay, upang makapagbigay tulong ay ibababa ang singil sa tubig. At para naman sa mga bumaba ang sahod o bumaba ang kita sa negosyo at pinoproblema ang bayarin sa tubig, base sa inyong kalagayan ay maaaring habaan ang pagpapaliban sa bayarin hanggang December 2020.
Para sa mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa Nagoya City Waterworks & Sewerage Bureau office sa lugar kung saan ang serbisyo ng iyong tubig.
【Marso 17, 2020 Update】
- Para sa lahat ng empleyado sa mga kumpanya(Mahalagang abiso mula sa gobyerno)
Maaaring hindi maganda ang takbo ng kalagayan ng inyong kumpanya sanhi ng Novel Corona Virus. Mayroong posibilidad na dahil sa ikaw ay banyaga, maaaring hindi patas ang trato sa inyo ng kumpanya kung ikukumpara sa mga Hapon at ito ay hindi nararapat.
Pakibasa ang website ng gobyerno para sa mga detalye.
Mayroon ding Q&A para sa mga manggagawa o empleyado.
- Mga dapat pag-ingatan kung mayroong hinihinalang nahawaan ng Novel Corona Virus Infection sa kapamilya(Nagoya)
I-click Dito Para sa Mga Detalye
【Pebrero 23, 2020 Update】
Mga dapat pag-ingatan sa pang araw-araw na pamumuhay
・ Una sa lahat, mahalaga ang paghuhugas ng kamay. Maghugas ng kamay gamit ang sabon o alcohol disinfectant kapag uuwi ng bahay, bago at matapos magluto, at bago kumain.
・ Kapag kamay ang ginamit pantakip ng bibig sa pag-ubo at pagbahin ay magkakaroon rin ng virus ang kamay. Kaya naman mula sa paghawak ng door knob ay may posibilidad ring mahawaan ng sakit ang ibang tao. Para sa mga taong may sintomas ng pag-ubo, isagawa ang "Cough etiquette" .
※Kapag umubo at bumahin, gumamit ng mask, tissue, panyo, o braso upang takpan ang bibig at ilong.
Ang mga taong may sakit at mga matatanda ay higit na kailangang mag-ingat at kung maaari ay iwasan muna ang matataong lugar.
※Mahalagang Bagay na Dapat Pag-ingatan:
・ Kapag may lagnat mula 37.5 degrees Celcius pataas, ubo, at iba pang sintomas ng "colds" o trangkaso, ay huwag kayong pumasok sa paaralan o sa inyong pinagtatrabahuan, at iwasan ang lumabas ng bahay.
・ Kapag may lagnat mula 37.5 ゜C pataas, ubo at iba pang sintomas ng "colds" o trangkaso, tiyakin ang temperatura ng katawan araw-araw at irekord ito.
(Reference o Reperensya)
Gabay na Impormasyon sa Medikal na Institusyon Para sa Mga Banyagang Pasahero Ukol sa Bagong Uri ng
"Coronavirus"
■Aichi Multilingual Call Center
https://aichi.livecall.jp/en/ipCC/ Maaring tumawag mula sa smart phone ※ Hindi maaaring tumawag mula sa personal computer
Wika: Ingles, Instik, Koreano, Thailand, Vietnam, Pilipino, Espanol, Portuges, Pransya
Oras: 24 na oras para sa mga wikang Ingles, Instik, Koreano o "Hangul", at pakibasa ang website para sa iba pang wika.
Babayarang Halaga: Walang bayad para sa banyagang pasahero