NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Mga Balita at Kaganapan

Recruiting Language Study / Disaster Language Study Volunteer (語学ボランティア・災害語学ボランティアを募集します)

2023.05.19

■Language Study Volunteer

(Nilalaman ng Aktibidad)
Interpretasyon at tagapagsalin sa mga pagkakataong kinakailangan ng mga dayuhan residente ang Language Support. Interpretasyon sa mga pampublikong institusyon tulad ng paaralang nursery at mga tanggapang administratibo, at ang pangunahing aktibidad nito ay ang pagsasalin ng mga liham/sulat o uri ng mga simpleng materyales atbp (hindi kasama ang mga opisyal na papeles).
*Maraming aktibidad ang isinasagawa sa pangkaraniwang araw. 

(Dalas ng Aktibidad)
Paminsan-minsan: Naaayon sa kahilingan ng Nagoya International Center 

(Kondisyon sa Pagpaparehistro)
●English・・・Sa mga taong tumutugon sa 3 kundisyon sa ibaba:
➀English Proficiency Test Level 1 pataas, o higit pa sa TOEIC 750 points 
➁Posibleng makakalahok sa mga aktibidad sa pangkaraniwang araw
➂Sa taong maaaring makapag-rehistro din bilang Disaster Language Study Volunteer (mahigit sa 20 taong gulang)
●Iba pang mga Wika・・・Nakakapagsalita ng wikang Hapon at iba pang mga wika na mahusay na nakakapagsalita.


■Disaster Language Study Volunteer

(Nilalaman ng Aktibidad)
Isinasagawa sa mga city hall at evacuation sites ang mga aktibidad na interpretasyon at pag-translate, pangongolekta ng mga impormasyon at pag-aalok, upang suportahan ang mga dayuhang may kaunting pang-unawa sa wikang hapon at nahihirapang makakuha ng mga kinakailangang impormasyon sa oras na magkaroon ng kalamidad gaya ng lindol, atbp. 
Pangkaraniwang isinasagawa ang pagsasalin ng wika sa disaster preparedness activity / training para sa mga dayuhang mamamayan. At, aktibong sumasali sa ipinapatupad ng NIC na training atbp. 

(Dalas ng Aktibidad)
Paminsan-minsan: Naaayon sa kahilingan ng Nagoya International Center 

(Kondisyon sa Pagpaparehistro)
Mayroong interes sa disaster preparedness, nakakapagsalita ng nihonggo at ng ibang wika, at may edad na 20 taong gulang pataas. 
*Pagkatapos ng orientation ay ipapatupad ang "Disaster Language Volunteer Training". Sumali po kayo.


■ Paraan ng Pag-rehistro

Mangyaring sumali sa orientation ng pag-rehistro. 
Petsa at Lugar ng gaganaping orientation:
Ika-1 beses  Mayo 19, 2023 (Biyernes) 13:30~14:30 Nagoya International Center 4F Room 3
Ika-2 beses  Septyembre 2, 2023 (Sabado) 13:30~14:30 Nagoya International Center 4F Room 3
Ika-3 beses  Disyembre 1, 2023 (Biyernes) 13:30~14:30 Nagoya International Center 4F Room 3
Ika-4 beses Pebrero 3, 2024 (Sabado) 13:30~14:30 Nagoya International Center 4F Room 3
※ May posibilidad na maaaring ganapin sa online lamang o pagsama-samahin online at sa isinaad na lugar depende sa kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19


Aplikasyon:Maaaring magpadala ng e-mail, mag-apply sa website, direktang pumunta, o tumawag at ang oras ng tanggapan ay hanggang alas 5 ng hapon bago ang araw ng orientation. 
※ Kapag magpapadala sa e-mail, isulat ang title na "語学ボランティア登録説明会 希望参加", at isulat sa nilalaman ng inyong e-mail ang mga sumusunod: ①Pangalan, ②Telepono, ③Wikang nais sa pag-rehistro, ④Paraan ng paglahok.

Mga Bagay na Dadalhin:Gamit sa Pagsulat
※ Pasusulatin sa aplikasyon habang nasa orientation. Kapag sa NIC isinagawa ang orientation, ang papel para sa aplikasyon ay nasa venue. Mapapadali ang proseso ng aplikasyon kung maghahanda ng picture na may sukat na 4×3 cm.  
I-click dito para sa Application Form


Aplikasyon / Kontak:Exchange Cooperation Division
Tel:052-581-5689        E-mail:vol@nic-nagoya.or.jp 

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.