NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Pag-aaral ng wikang hapon

Pag-aaral ng wikang hapon

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Paghahanda sa kalamidad

Paghahanda sa kalamidad

  • Aktibidad ng disaster prevention
  • Magboluntaryo

    Magboluntaryo

    Magbasa ng katutubong libro

    Magbasa ng katutubong libro

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Impormasyon sa Pamumuhay

    Pamumuhay Q & A: Hindi Makapag-apply Para Makakuha ng Lump-Sum Withdrawal Payment na Pensyon o Seguro 外国人暮らしのQ&A:年金脱退一時金が請求できない

    2019.09.07


    Q:
    Nang dumating ako sa Japan nuon, nagtrabaho ako sa isang kompanya sa loob ng 3 taon at nagbayad ng Employee's Pension Insurance o Seguro Para sa Pensyon ng Empleyado (kōsei nenkin / 厚生年金) sa loob ng 3 taon. Pagkatapos ay umalis ako sa kumpanyang iyon at bumalik sa aking sariling bansa, ngunit, sa panahong iyon ay hindi ako nag-apply para sa Lump-sum Withdrawal Payment. Ngayon ako'y nakabalik muli sa Japan, at nag tatrabaho sa loob ng 8 taon sa isang kompanya at muling nakapag-apply at nakapasok sa isang Employee's Pension Insurance. Sa kadahilanang kailangan kong muling bumalik sa aking bansa, nais kong mag apply ng Lump-sum Withdrawal Payment, ngunit nang ako ay nagtanong sa city office, sinabi nilang hindi raw ito puwede. Ang ibig po bang sabihin nito ay hindi maaring makapag apply ng Lump-sum Withdrawal Payment kung nag-apply at pumasok ng dalawang (2) beses?

    A:
    Ang kwalipikasyon sa pensyon Lump-sum Withdrawal Payment (dattai ichijikin / 脱退一時金) ay nakabase sa mga sumusunod na kondisyon: Ang Aplikante ① ay dapat walang Japanese Citizenship, ② dapat nakapasok o nakalista sa sistema ng pensyon sa Japan ng mahigit sa 6 na buwan (Sa kaso ng National Pension [kokumin nenkin / 国民年金], ang panahon ng ginawang pagbabayad ay dapat na mahigit sa 6 na buwan), ③Hindi na dapat nakatira o residente ng Japan. ④ Dapat na hindi nagkaroon ng kwalipikado na tumanggap ng pensyon.

    Sa iyong kaso, ang kabuuang total ng panahon ng iyong itinira sa Japan ay 11 taon. Sa Japan, kung nakagawa mong mag bigay ng kontribusyon sa pensyon ng 10 taon o mahigit pa, ikaw ay kwalipikadong tumanggap ng pensyon. Samakatuwid, dahil sa ikaw ay kwalipikadong tumanggap ng pensyon, hindi ka na maaring makapag-apply ng Lump-sum Withdrawal Payment.

    Kung halimbawa, ikaw ay nakapag apply ng Lump-sum Withdrawal Payment pagkatapos ng unang 3 taon ng iyong pagtira sa Japan, ang iyong pag papalista sa sistema ng pensyon para sa 3 taon na iyon ay maaaring nabura na. Sa ganoong kaso, ang pagpapatala mo sa kasalukuyang 8 taong pananatili ay maaaring maging kulang sa panahon ng kwalipikasyon para sa pensyon, at kung nailapat ang iba pang kondisyon, ay maaari mong mai-aplay ang Lump-sum Withdrawal Payment sa oras na ito

    Sa iyong kaso, sa kasalukuyan maaari mong matanggap ang iyong Japanese pensyon sa edad na 65. Kung ang iyong bansa ay nagkaroon ng kasunduan sa Social Security ng Japan, maaari kang mag-apply para sa iyong Japanese pensyon sa pamamagitan ng isang ahensya na siyang responsable sa pensyon sa iyong bansa. Mangyaring makipag ugnayan sa ahensyang pang pensyon para sa impormasyon kung paano mag-appay. Gayundin, siguraduhing na nasa ligtas na lugar ang inyong pension passbook (nenkin techō / 年金手帳) at iba pang mga dokumento na may koneksiyon sa iyong Japanese pensyon.

    Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pensyon at Social Security Agreements, mangyari pong kumonsulta sa pinakamalapit na opisina ng Japan Pension Service Office.

    Mga Balita at Kaganapan

    Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.