NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Pag-aaral ng wikang hapon

Pag-aaral ng wikang hapon

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Paghahanda sa kalamidad

Paghahanda sa kalamidad

  • Aktibidad ng disaster prevention
  • Magboluntaryo

    Magboluntaryo

    Magbasa ng katutubong libro

    Magbasa ng katutubong libro

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Impormasyon sa Pamumuhay

    Tanong at Sagot: Paano kung mag-enroll ako ng health insurance? 「外国人暮らしQ&A「健康保険に加入したら」

    2019.10.26

    Tanong

    Naninirahan ako ng 10 taon sa Japan, at kasalukuyang pumapasok bilang isang English language instructor. Sa halip na magtrabaho sa isang paaralan, ako ay mayroong kontrata sa iba't-ibang paaralan. Hanggang ngayon, hindi pa ako nakapag-enroll sa health insurance ng Japan, pero pinag-iisipan ko ito. Kapag ako ay sasapi, ano ang mangyayari sa aking mga ibabayad?

    Sagot

    Lahat ng mayroong address sa Japan ay kailangang mag-enroll ng kenkō hoken (健康保険 / health insurance), pampublikong medical insurance ng Japan. Ang dayuhang nabigyan ng karapatang manirahan ng higit tatlong buwan at nakarehistro bilang residente ay kinakailangang mag-enroll sa kenkō hoken.

    Bilang alituntunin, ang residenteng nakapag-enrol sa Kokumin Kenkō Hoken (国民健康保険 / National Health Insurance) na pinangasiwaan ng munisipyo kung saan kayo naninirahan, maliban lamang kung ikaw ay kasapi sa ibang uri ng kenkō hoken, halimbawa kung ikaw ay pumapasok sa isang kumpanya at nagbabayd ng kenkō hoken sa pamamagitan ng iyong employer. Mahalagang malaman na ang kenkō hoken ay pampublikong medical insurance; hindi ito katumbas ng medical insurance katulad sa isang insurance company.

    Sa iyong sitwasyon,na hindi ka maaaring mag-enroll ng kenkō hoken sa pamamagitan ng employer, kailangan mo ang sumapi sa Kokumin Kenkō Hoken. Ayon sa alituntunin, ang enrollment ay mandatory sa oras na nakapagparehistro bilang residente ng iyong munisipyo, kasabay dito ang pagbayad ng insurance fees (hokenryō / 保険料. Sa ibang munisipyo tinatawag itong hokenzei / 保険税 o "insurance tax," at kinokolekta ang bayarin bilang buwis.).

    Bagama't obligadong bayaran ang insurance fees / tax sa oras na magpa-rehistro sa kenkō hoken, may limitasyong isinaad sa batas hinggil sa panahon kung saan ang munisipyo ay maaaring mangolekta ng mga hindi nabayarang insurance fees / tax. Para sa insurance fees (hokenryō), ang di pagbabayad ay limitado lamang ng dalawang taon ; sa insurance tax (hokenzei), ang di pagbayad ng tax o buwis ay limitado ng limang taon. Maliban kung mayroong itinakdang suspensiyon, hindi na kayo pagbabayarin ng hindi nabayarang insurance fees / tax sa panahong ito.

    Sa kaso mo,kung saan dapat kang nag-enroll ng kenkō hoken at insurance fees/tax 10 taon na ang nakakaraan, kung nais mong makumpleto ang procedure, maaari kang pagbayarin ng 2 o 5 taong kabuuang halaga.

    Makipag-ugnayan sa counter sa munisipyo kung saan maaaring mag-enroll ng Kokumin Kenkō Hoken at ang halaga na dapat mong bayaran sa lalong madaling panahon.

    Mga Balita at Kaganapan

    Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.