Pigilan ang ilegal na pagtatapon at pagkakalat! Ang buwan ng Nopbyembre ay Illegal Dumping Awareness Month 不法投棄やポイ捨てをなくそう! ~11月は不法投棄防止強調月間です~
2019.11.12
Isang krimen ang ilegal na pagtatapon ng basura.
Ito ay may kaparusahang pagkakulong ng 5 taon o multang 10 milyong yen o pareho.
Ang pagri-recycle ng kasangkapan katulad ng telebisyon, washing machine ay mandatory kung kaya naman ito ay hindi maaaring itapon bilang Large-Sized Garbage (Soudai Gomi).
Ang website ng Nagoya City (tingnan sa ibaba). O magtanong sa Environmental Works office ng ward office ng inyong tirahan. Maaari ring tiyakin ang wastong paraan ng segregasyon at recycling ng Nagoya gamit ang ThreeR (さんあ~る) smartphone app.
Tandaan na ang pagtatapon ng bakanteng lata, upos ng sigarilyo, PET bottle, atbp. sa daan, parke at iba pang pampublikong lugar ay mahigpit na ipinagbabawal. Iwasang isipin na mayroong magtatapon ng inyong kalat. Kung walang basurahan, iuwi ang inyong basura.
★Ang Stop Illegal Dumping Campaign event ay gaganapin sa 30 Nov. Maraming mascot characters mula sa kalapit na munisipalidad ng Nagoya ang magtitipon sa Nagoya Station!
Nagoya City Garbage Reduction and Recycling Guide on the City of Nagoya website: http://tiny.cc/nagoyagomi
Para sa mga katanungan: Operations Division, City of Nagoya Environmental Affairs Bureau
Phone: 052-972-2385 (Japanese)