NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Pag-aaral ng wikang hapon

Pag-aaral ng wikang hapon

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Paghahanda sa kalamidad

Paghahanda sa kalamidad

  • Aktibidad ng disaster prevention
  • Magboluntaryo

    Magboluntaryo

    Magbasa ng katutubong libro

    Magbasa ng katutubong libro

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Impormasyon sa Pamumuhay

    Living Q & A: International Driving Permit at Pagmamaneho ng Walang Lisensiya 外国人暮らしのQ&A:国際運転免許で「無免許」

    2019.11.24

    Q.
    Ako ay naninirahan sa Japan ng isang taon at kalahati. 3 buwan na ang nakakaran, ako ay umuwi sa aking bansa gamit ang Re-entry Permit. Nanatili ako ng 1 buwan doon, at dahil wala akong lisensiya upang makapagmaneho sa Japan, ako ay kumuha ng International Driving Permit. Pagbalik sa Japan, ako ay nagmaneho sa pag-aakalang maaari kong gamitin ang International Driving Permit, pero ako ay binigyan ng bayolasyon na Driving Without License. Hindi ko alam na may batas na hindi maaaring magmaneho sa bansa gamit ang International Driving Permit.

    A.
    Ang Road Traffic Law (dōro kōtsu-hō / 道路交通法) ay tumutukoy sa kondisyon na maaaring magmaneho ng kotse o iba pang uri ng sasakyan gamit International Driving Permit (kokusai unten menkyo-shō / 国際運転免許証) sa Japan. Ang balidong International Driving Permit ay inisyu ng isang issuing body na may wastong otoridad sa bansang pumirma sa kasunduan ng 1949 Geneva Convention on Road Traffic, at tumutupad sa espesipikasyon ng kumbensiyon.
    Ang durasyon kung kailan maaaring magmaneho ay ang durasyon ng validity ng International Driving Permit (1 taon simula sa date of issue ng International Driving Permit), at 1 taon simula sa petsa ng paglapag sa Japan (landing date ①).
    Kung ang isang banyaga na naninirahan sa Japan ay nakatanggap ng permission for reentry at umalis ng Japan, at bumalik sa Japan muli (landing date ②) sa loob ng 3 buwan pagkatapos ng petsa ng pag-alis, sinasabi sa Road Traffic Law na ang landing date ② ay hindi kikilalanin bilang umpisa ng 1 taong durasyon kung kailan masasabing balido ang International Driving Permit.
    Sa iyong kaso, nakatira ka sa bansa ng isang taon, at umalis ng isang buwan, na ang ibig sabihin, ang petsa na ikaw ay muling bumalik sa Japan (landing date ②) ay hindi itinuring na landing date kung kailan na ang iyong International Driving Permit ay itinuturing na balido para sa 1 taon. Sa ganitong situwasyon, ang petsa na kung kailan balido ang permit ay ang petsa ng iyong pagballik at muling paninirahan sa Japan (landing date ①), kung lumagpas na ang 1 taon, nangangahulugang natapos na ang durasyon na maaari kang magmaneho gamit ang International Driving Permit.
    Dagdag pa rito, kailanganin nating isaisip palagi na kung gagamit ng balidong International Driving Permit, kinakailangang dala rin ninyo ang inyong passport o anumang makakapagpatunay ng inyong record of entry at departure mula sa Japan.

    Mga Balita at Kaganapan

    Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.