Living Q & A: Pakikitungo sa mga Ari-arian ng pumanaw na asawang Hapon. 外国人暮らしのQ&A:亡くなった日本人配偶者の財産の相続
2019.12.25
Q.
Pumanaw ang aking asawang Hapon kamakailan. Ang aking asawa ay may ari-arian, yan ay sinabi ng kanyang pamilya sa akin sa kadahilanang kami ay walang anak. Ang ari arian ng aking asawa ay dapat mahahati sa pagitan ng kanyang mga kapatid, totoo ba ito? Walang anak ang aking asawa at tila wala syang na iwang testamento.
A.
Kapag ang isang tao ay namatay, Ipapasa sa mga kamag-anak at atbp. ang mga ari arian ng namatay.Tulad sa aplikasyon ng batas, ang batas kung saan namatay ang tao (被相続人 / hisōzokunin) ay pambansang nalalapat, Kaya't kung ang namatay ay hapon, ang batas ng Japan ang na aangkop. Maaring gumawa ng testamento (遺言書 / yuigonsho) Para ma isatalaga ang mga tagapagmana. (相続人 / sōzokunin) Kung sino ang mag mamana ng mga ari arian ng taong namatay. Kung ang namatay ay hindi naka pag iwan ng testamento, ibabahagi ang ari-arian at isasagawa alinsunod sa batas (Civil Code / 民法 / minpō).
Sa ilalaim ng Civil Code, ang asawa ang laging benipesyaryo. Bilang benipesyaryo maliban sa asawa, anak/mga anak ng namatay ay karapatan na mauna. Kung walang mga anak na buhay, saka ang prioridad mapupunta sa ibang (直系卑属 / chokkei hizoku) ng namatay , halimbaway apo, saka apo sa tuhod, at iba pa. Kung walang lineal descendants, ang prioridad ay mapupunta sa lineal ascendants (直系尊属 / chokkei sonzoku) ng taong namatay, halimbawa magulang, mga Lolo't Lola at iba pa. Kung parehong wala ang lineal descendants o ang ascendants, ang mga kapatid ng namatay ang magiging benipesyaryo. Sa iyong kaso, kung saan walang anak ang iyong asawa, kung alinman ng kanyang mga magulang o iba pang lineal ascendants ay buhay, gayunman ang mga kapatid ay may karapatan ng kanyang pamana.
Ang proporsyon ng ari-arian ng taong namatay na maaring mamanahin ay itatakda ng batas ang bawat asawa at anak ng namatay ay maaring mag claim ng kalahati ng ari-arian. Kung walang mga anak, pero may asawa at magulang o iba pang other lineal ascendants, ang asawa ay maaring mag claim ng two thirds at lineal ascendants ay one third. Kung walang lineal ascendants, pero may asawa at mga kapatid, ang asawa ang maka pag claim ng three quarters, bagamat ang mga kapatid ay maka pag claim ng one quarter sa ari-arian ng namatay.
Ano mang kaso, sa isyung ito ay panukala ng batas, aming i rekomenda sa inyo ang pag hanap ng legal na payo mula sa isang abogado. Ang opisina ng munisipyong gobyerno ay nagbibigay ng legal na konsultasyon para sa mga mamamayan, kayat nakakatulong ang pagtatanong duon. Ang Nagoya International Center rin ay nagbibigay ng libreng legal na konsultasyon para sa mga dayuhang naninirahan kasama ang pag i-interpret maari sa English, Portuguese, Spanish at Chinese, sa pamamagitan ng appointment lamang. Reserbasyon ay magagawa sa pag tawag 052-581-6111, at mag iwan ng mensahe sa answering machine. Ang miyembro ng staff ay tatawag ulit sayo para ikompirma ang inyong appointment.