NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Pag-aaral ng wikang hapon

Pag-aaral ng wikang hapon

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Tungkol sa pamumuhay sa Nagoya

Paghahanda sa kalamidad

Paghahanda sa kalamidad

  • Aktibidad ng disaster prevention
  • Magboluntaryo

    Magboluntaryo

    Magbasa ng katutubong libro

    Magbasa ng katutubong libro

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Ospital na nakakatugon sa katutubong wika

    Impormasyon sa Pamumuhay

    Living Q & A: Sobrang taas ng singil ng builder para sa kanilang ginawa. 外国人暮らしのQ&A「業者に見積もられた金額より多く請求された」

    2020.01.29

    Q.
    Ako ay nagbukas kamakailang ng restorante, at ang kumpanyang aking kinausap upang gumawa nito ay nagpadala ng invoice na may nakasaad na halagang lubhang mas mataas pa kaysa sa aming pinagkasunduan (verbal). Siya ang kinuha ko dahil sinabi niyang kaya niyang gawin ang trabaho katulad ng kumpanyang una kong nakausap sa kalahating presyo lamang nang makita niya ang quotation na nagmula rito. Wala akong maipakitang katunayan ng aming napagkasunduan. Hindi ko kayang bayaran ang halagang sinisingil niya. Ano ang aking gagawin?


    A.
    Kung ang kontrata hinggil sa pagpapagawa ng isang establisimiyento ay verbal lamang, at may pagkakaiba ang pagkakaunawaan sa pagitan ng client (iraisha / 依頼者) at contractor (ukeoinin / 請負人), mahirap tiyakin kung sino ang tama o mali.
    Maikokonsidera lamang ang pinag-usapang verbal kung tinitiyak ang halaga ng binibili sa isang tindahan. Subalit kung sa pagpapagawa ng isang establisimiyento, na kung saan ay maraming materyales ang kinakailangang bilhin, maraming kondisyon upang maisagawa ang kostruksiyon, kinakailangang makumpleto ito sa itinakdang panahon, atbp., mahirap gawing basehan ang pinag-usapan lamang ng parehong kampo. Kung kaya kinakailangan na may written contract (keiyakusho / 契約書) sa ganitong pagkakataon.


    Sa Artikulo 19 ng Construction Business Act (kensetsu-gyō hō / 建設業法), binabanggit na "kinakailangang mayroong isinulat na tala ng kontrata hinggil sa pagpapagawa ng anumang establisimiyento, mayroong pirma o rehistradong selya na nakadikit, at magpalit ng kontrata ang parehong kampo base sa alituntunin ng artikulong binanggit." Sa madaling salita, kinakailangan ang record o kontrata na pinirmahan ng parehong kampo sa pagpapagawa ng isang establisimiyento.


    Dahil ang paksa rito ay ang kaibahan sa napagkasunduan o pag-unawa ng parehong kampo, maaari kayong dumulog sa Aichi Prefectural Residents Consultation and Information Center (kenmin sōdan jōhō sentā /県民相談・情報センター, 052-962-5100), o mag-apply sa Construction Work Disputes Committee (kensetsu kōji funsō shinsa-kai / 建設工事紛争審査会, 052-954-6502) upang maresolba ang inyong hindi pagkakaunawaan. Maaari rin namang humingi ng tulong sa isang abogado bilang isang opsiyon.


    Ang anumang legal na konsultasyon ay isinasagawa rin sa inyong munisipyo, magtanong at tiyakin ito. May probisyon rin ng legal na konsultasyon ang Nagoya International Center at Aichi International Association at may suporta sa iba`t-ibang wika. Maaari rin magtanong sa The Aichi Bar Association, makipag-ugnayan batay sa inyong pangangailangan.

    Mga Balita at Kaganapan

    Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.