2020.01.29
Bagama`t ang parking ay madalas na nakikita sa simbolong "P", kinakailangang kabisaduhin rin ang iba pang simbolo upang maiwasang mag-parking sa lugar na hindi dapat.
Parking na may buwanang kontrata
Pangunahing ekspresyon :
月極 tsukigime:Buwanang renta
月極駐車場 / 駐車場(月極)tsukigime chūshajō / chūshajō (tsukigime)
:Buwanang kontrata
~ Magpaparada lang sandali
Pangunahing ekspresyon :
~用 / ~専用 ~yō / ~sen'yō :Para lamang sa~
来客用駐車場 raikyaku-yō chūshajō :Para lamang sa mga kostumer
お客様専用(駐車場) o-kyakusama sen'yō(chūshajō)
:Para lamang sa mga kostumer
契約者専用(駐車場) keiyakusha sen'yō (chūshajō)
:Para lamang sa mga nakakontrata.
Bawal Mag-parking
Pangunahing ekspresyon :
駐車禁止 chūsha kinshi :Mahigpit na ipinagbabawal ang parking
関係者以外駐車禁止 kankeisha igai chūsha kinshi
:Ipinagbabawal ang pag-parking ng mga hindi otorisadong tao
無断駐車お断わり mudan chūsha o-kotowari
:Bawal ang mag-parking nang walang paalam (ang ibig pa rin sabihin nito ay bawal ang mag-parking)
無断駐車お断わり致します(大変申し訳ございません) mudan chūsha o-kotowari itashimasu (taihen mōshiwake gozaimasen)
:Bawal ang mag-parking nang walang paalam (Ipagpaumanhin po ninyo) (ang ibig pa rin sabihin nito ay bawal ang mag-parking)