NIC Filipino(Nagoya International Center)

Sa pagkakataon na tulad ng

Pagbabago ng kulay

Laki ng letra

  • S
  • M
  • L
Sa pagkakataon na tulad ng

 Sa pagkakataon na tulad ng

Impormasyon sa Pamumuhay

Ang Nakamura Ward Office at ang Chikusa Ward Office ay ililipat, at ang pangalan ng subway station ay papalitan (mula Enero 4, 2023) (中村区役所・千種区役所が移転、地下鉄の駅名が変わります。)

2023.01.04

●Ang Nakamura Ward Office ay ililipat, maglalaman ng maraming pampublikong tanggapan ang bagong lilipatan. (中村区役所が移転、複合庁舎へ)

Kasabay ng paglilipat ng Nakamura Ward Office sa bagong lokasyon, pagsasama-samahin ang institusyong gaya ng Health Center, Public Works Office at Municipal Tax Office para lalong mapadali ang akses sa mga ito. 

※Papalitan ng Sasashima Municipal Tax Office 「ささしま市税事務所」kabilang ang Tokai-dori Branch office(東海通出張所)ang pangalan na Honjin Municipal Tax Office (本陣市税事務所) sa kadahilanan ng relokasyon. (Namamahalang lugar: Nishi, Nakamura, Nakagawa, Minato ward)

Bagong lokasyon: Nakamura-ku Matsubara-cho 1-23-1 (中村区松原町1-23-1)
Akses: Subway- 1 minutong lakad mula sa Honjin (Nakamura Ward Office) Station 
(「本陣(中村区役所)」駅, H06) Exit 3, Subway Higashiyama Line (地下鉄東山線)
City Bus - 4 na minutong lakad mula sa Honjin (本陣) bus stop
Sasakyan - mayroon paradahan para sa 91 na sasakyan

●Paglilipat ng Chikusa Ward Office sa pangsamantalang lugar(千種区役所の移転)


Ang Chikusa Ward Office at ang Chikusa health Center ay ililipat sa pansamantalang lugar habang ang gusali ng Chikusa Ward Office ay itinatayo.

Pansmantalang lokasyon: Chikusa-ku, Hoshigaoka Yamate (千種区星が丘山手) 103 (Tosei Fureai Hiroba [東星ふれあい広場])
Akses: Subway - 7 minutong lakad mula sa Higashiyama Koen Sta. (「東山公園」駅, H17) 
Exit 2, Subway Higashiyama Line (地下鉄東山線)
City Bus - 2 minutong lakad mula sa Shin-ike-cho (新池町) bus stop
Sasakyan - Mayroon paradahan para sa 44 na sasakyan

※Magpapatuloy ang serbisyo sa kasalukuyang lugar hanggang Miyerkules Disyembre 28,2022. Ang after hours service counter ay magagamit sa kasalukuyang lugar hanggang sa Enero 3, 2023. 

●Magbabago ang mga pangalan ng istasyon ng subway! (地下鉄の駅名が変わります!)

Ang pangalang ng istasyon ay papalitan alinsunod sa paglilipat ng Nakamura Ward Office.
 Nakamura Kuyakusho(中村区役所) → Taiko-dori(太閤通)
 Honjin(本陣) → Honjin (Nakamura Ward Office)(本陣(中村区役所))

Magbabago din ang mga pangalan ng mga sumusunod na istasyon ng subway.

 Shiyakusho (City Hall) (Prefectural Office, Nagoya Castle) ( 市役所(県庁・名古屋城)) → Nagoyajo (Nagoya Castle) (City Hall, Prefectural Office) (名古屋城(市役所・県庁))
 Jingu Nishi(神宮西) → Atsuta Jingu Nishi(熱田神宮西)
 Temma-cho(伝馬町) → Atsuta Jingu Temma-cho(熱田神宮伝馬町)

Mga Balita at Kaganapan

Copyright © Nagoya International Center All rights reserved.