Q&A:Maaari bang makapasok/makalipat sa Junior High School ang batang dumating sa Japan na nasa 16 na taong gulang?
2024.05.31
Q1.Ang isang 16 na taong gulang na bata ay dumating sa Japan. At dahil hindi marunong magsalita ng wikang Hapon, nais nyang makapasok sa Junior High School at makapag-aral ng wikang hapon para maisatupad ang layuning makapasok sa Senior High School. Maaari ba siyang lumipat at pumasok sa Junior High School?
A1.Sa paaralan ng Japan, ang baitang na papasukan ng bata ay pinagpapasyahan sa base sa edad ng bata sa simula ng taon ng pag-aaral. Walang Academic Acceleration/Grade-skipping o Failures/ bumabagsak.
Ang batang nasa 16 taong gulang, at nakumpleto/nakatapos ng hanggang sa ika-9 na baitang sa kanyang sariling bansa (Compulsary Education Period ng Japan), ay hindi maaaring makapasok sa Junior High School sa Japan. Posibleng kumuha ng entrance exams para sa Senior High School sa Japan, kaya't magandang pagkakataon/idea ang pag-aaral ng wikang Hapon sa isang Japanese Language Class para makakuha ng High School Entrance Exams sa bandang Enero.
Kung may ilang kadahilanan at hindi nakapagtapos ng ika-9 na baitang sa sariling bansa, maaari namin kayong tanggapin. May alternatibong paraan din tulad ng Night Shift Junior High School Class. Kung makakapagpatuloy sa Senior High School at makaka-pagtapos, ang landas ng iyong kinabukasan ay lalawak kaya't huwag sumuko at gawin ang lahat ng makakaya.




