2024.07.04
Q.
Ako ay nagdadalantao. Nabalitaan ko na makakatanggap ng pinansyal allowance kapag ipinanganak ang isang sanggol. Anong gagawin ko? Ano ang magiging visa ng aking sanggol?
A.
Una, puntahan ang ospital para tumanggap ng isang sertipiko sa pagbubuntis, at pagkatapos ay pumunta sa health center para magkaroon ng maternal and child health handbook. Kapag natanggap na itong handbook, maaari nang tumanggap ng iba't ibang serbisyo na may kaugnayan sa panganganak at pangangalaga sa isang sanggol.
Sa oras na isilang ang isang sanggol, makakatanggap ng pinansyal allowance sa panganganak at pangangalaga. Gawin lamang ang aplikasyon sa medikal na pasilidad kung saan nanganak.
Matatanggap din ang Birth Certificate mula sa ospital, isumite ito sa munisipyo sa loob ng 14 na araw mula sa kapanganakan.
Gayundin, gawin ang aplikasyon sa loob ng 30 na araw mula ng isilang ang isang sanggol, para sa visa nito mula sa immigration. Ang mga kinakailangang dokumento ay: ①Status of Residence Application Form, ②Questionnaire, ③Birth Registration Certificate, ④Resident Certificate na naglalaman ng buong detalye ng pamilya, ⑤Passport ng sanggol,⑥Income Tax Certificate ng magulang, ⑦Employment Certificate ng magulang, ⑧Residence card at Pasaporte ng magulang, (⑨Guarantor Certificate).
- Chart para sa Pangangalaga ng Bat, Minato-ku Nagoya (English, Chinese, Korean, Portugues, Spanish, Filipino, Vietnamese, Nepalise, Pakistan, Thailand)
<Mula sa Pagdadalantao hanggang sa Manganak>
https://www.city.nagoya.jp/minato/page/0000136318.html
<Matapos Manganak>
https://www.city.nagoya.jp/es/minato/page/0000136327.html
- Gabay sa Pangangalaga ng Bata, Chikusa Nagoya (English, Chinese, Vietnamese, Nepalese)
https://www.city.nagoya.jp/chikusa/page/0000140247.html
- Kanagawa International Foundation Childcare Support Site for Foreigners
Ang website na ito ay pinamamahalaan ng isang organisasyon sa Kanagawa. Naghahatid ito ng mga impormasyon sa iba't ibang wika tungkol sa kung ano ang mga nararapat gawin sa oras na ipinanganak ang isang sanggol.
https://www.kifjp.org/child/threeprocedure_jpn




