2024.10.18
Q.
Nang dumating ako sa Japan, balak kong bumalik kaagad sa sariling bansa, mayroon nakapagsabi sa akin na kung
ako ay uuwi kaagad, hindi ko na kailangan magbayad ng pensiyon kung kaya't hindi ko ito binayaran. Noong nagsimula na akong sumali sa social insurance sa aking pinapasukang kompanya ay nagbabayad na din ako ng pensiyon. Makakatanggap ba ako ng pensiyon.
A.
Sa ilalim ng sistema ng pensiyon ng japan, binago ang sistema mula noong Agosto 2017, at kung ikaw ay naging miyembro sa loob ng 10 taon o higit pa maaari na ngayong makatanggap ng pensiyon para sa katandaan. Kung ikaw ay miyembro ng social insurance ng iyong kompanya nang hindi bababa ng 10 taon at nagbabayad ng iyong kontribusyon, ikaw ay may karapatan na makatanggap ng pensiyon para sa katandaan. Kahit na mas maikli sa 10 taon ang panahon ng pagtatala sa pensiyon, ay maaari ka pa rin makatanggap ng pensiyon kung ang panahon noong una kang dumating sa bansang Hapon ay pinagsama-samang suma total ng karapat -dapat na ilalaging panahon*1. Kapag nakumpirma na ng Pension Office kung kailan ka dumating sa Japan,mangyaring ihanda ang orihinal na Alien Registration Slip*2 na inisyu ng Bureau of Immigration.
Ang halaga na iyong matatanggap ay depende sa bilang ng mga buwan na iyong binayaran sa pensiyon. Kung mayroon pagkakataon na hindi ka nakapagbayad ng pensiyon, ang pensiyon sa pagtanda na iyong matatanggap ay mababawasan.
Kung karapat-dapat kang tumanggap ng pensiyon para sa pagtanda, makakatanggap ka ng abiso mula sa tanggapan ng pensiyon at ito ay isang kulay berdeng sobre at tatlong buwan bago mo maabot ang edad kung saan maaari kang magsimulang tumanggap ng pensiyon. Hindi mo matatanggap ang iyong pensiyon maliban kung isusumite mo ang mga dokumento ng aplikasyon na nakapaloob sa sobreng ito sa opisina ng pensiyon.
Kung ikaw ay miyembro sa isang pension plan sa loob ng 10 taon o higit pa, maaari mong matanggap ang iyong pensiyon kahit na wala ka sa Japan sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga kinakailangan. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng pensiyon.
Telepono ng konsultasyon: 0570-05-1165 (Ingles, Chinese, Korean, Portuguese, Spanish, Tagalog, Vietnamese, Indonesian, Thai, Nepali)
Kapag makikipag-ugnayan sa tanggapan ng pensiyon, ay kailangan ng iyong pangunahing numero ng pensiyon. Ang iyong pangunahing numero ng pensiyon ay nakasulat sa iyong handbook ng pensiyon.
*1. Total target period: Ito ang panahon ng pagiging miyembro na kinakailangan upang makatanggap ng pensiyon sa pagtanda kahit na hindi ka pa nagbabayad sa pensiyon.
*2. Paghiling ng recording slip ng dayuhang rehistrado
https://www.moj.go.jp/isa/publications/privacy/foreigner.html
<Pinagmulan ng larawan>
Website ng Japan Pension Service https://www.nenkin.go.jp/international/index.html